SC, ibinasura ang petisyon tungkol sa pagpapangalan sa dating Manila International Airport ng NAIA

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Tinanggihan ng Korte Suprema ang inihaing petisyon ng abogadong si Larry Gadon na layong ibasura ang batas na nagpalit sa pangalan ng Manila International Airport patungo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ayon sa spokesperson ng Korte noong Setyembre 9.

Ayon kay Supreme Court Spokesman Brian Hosaka, nagkaisa ang mga mahistrado para ibasura ang inihaing petisyon ni Gadon dahil sa “lack of merit.”

Noong Agosto 27, hiniling ni Gadon sa Supreme Court na ideklarang walang bisa ang Republic Act 6636 dahil idinidiin umano nitong bayani si dating Senador Benigno Aquino III, kaya hindi dapat ipangalan sa kanya ang isang paliparan.

Ayon kay Gadon, hindi rin sinunod ng desisyong palitan ang pangalan ng paliparan ang mga panuntunang itinakda ng National Historical Commission of the Philippines, na nagsasabing dapat pangalanan ang isang pampublikong lugar sa isang tao sa loob ng sampung taon ng kanyang pagkamatay maliban na lamang kung may “matataas na dahilan”.

Si Aquino ay pinatay sa tarmac ng noo’y Manila International Airport noong Agosto 21, 1983.

Ang batas na nagpalit sa pangalan ng paliparan ay ipinasa naman noong Nobyembre 27, 1987.

LATEST

LATEST

TRENDING