Roque sa publiko: Magtiwala lamang sa ‘wisdom’ ni Duterte

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Pinaliwanagan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang publiko na magtiwala lamang aniya ang “wisdom” ni Pangulong Rodrigo Duterte at sa mga pagpapasya nito sa mga suliranin na tanging siya lamang ang makakapagdesisyon.

Aniya, “Magtiwala po tayo sa wisdom ng ating Presidente sa kaniyang mga desisyon sa mga bagay-bagay na tanging Presidente lang ang pupuwedeng magdesisyon.”

Sinabi ito ni Roque matapos umalingawngaw ang iba’t-ibang pananaw ukol sa paggagawad ni Duterte ng absolute pardon kay US Marine LCpl Joseph Scott Pemberton matapos itong ma-convict dahil sa pagpatay sa Pilipinang transgender na si Jennifer Laude.

Ayon kay Roque, iginagalang niya mismo ang wisdom ng pangulo.

Pareho umano sila ng pananaw ni Duterte hinggil sa mga mahahalagang usapin na makakaapekto sa bansa. 

Isang halimbawa rito ay ang independent foreign policy ng Pilipinas at ang zero tolerance laban sa katiwalian.

“Tingin ko po nagkakaisa pa rin kami ng Presidente sa pagtataguyod ng independiyenteng foreign policy.  Tingin ko po, consistent pa rin kaming dalawa ni Presidente na kinakailangan kaibigan ang lahat, walang kalaban na kahit sinuman,” giit ni Roque.

Binanggit ni Roque na maaaring ikinokonsidera lamang ni Duterte ang interes ng nakararami sa kanyang pagpapasya. Maliban kasi umano sa China at Russia, kabilang din ang Estados Unidos sa mga bansang nagtatangkang makatuklas ng bakuna kontra Covid-19.

“At sa tingin ko naman, itong desisyon nga ni Presidente—ito ay personal na opinyon ko dahil tinanong mo ang aking personal na opinyon ‘no— ang pagbibigay ng pardon kay Pemberton ay kabahagi ng pagnanais ni Presidente na kapag mayroon na ngang vaccine na na-develop kung sa America man ay makikinabang din ang Pilipinas,” ani Roque.

LATEST

LATEST