Roque: Pamahalaan, hindi na magpapatupad ng malawakang lockdowns

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: Reuters

Localized lockdowns ang tamang estratehiya para labanan ng Pilipinas ang banta ng Covid-19, pahayag ng Malacañang noong Setyembre 10 kasabay ang pagdidiin na kinakailangan nang ibangon ang ekonomiya na lubhang napinsala ng pandemiya.

Ang “Ingat Buhay Para sa Hanapbuhay” ang panibagong kampanya ng pamahalaan kung saan iniiwan na nito ang mga plano nito para sa malawakang lockdowns, paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque .

Aniya, “Tapos na po iyong pagbibigay lamang ng ayuda dahil hindi na po natin plano na magkaroon nang malawakang lockdowns.”

Batay sa isang Social Weather Stations survey, dalawa mula sa limang adultong Pilipino, o 40 percent, ang umaasang babagsak ang ekonomiya sa susunod na 12 buwan sa pagpapatuloy ng banta ng Covid-19.

Ang nasabing 40 percent noong Hulyo 2020 ay ang pinakamataas sa loob ng 12 taon, mula nang maitala ang 52 percent noong Hunyo 2008, dagdag pa ng SWS.

Sinabi ni Roque na nauunawaan ng Palasyo ang negatibong pananaw ng mga Pilipino, subalit iginiit nitong “the worst has hit us” o tapos na ang pinakamalalang epekto ng pandemiya sa pagwawakas ng mga striktong lockdown.

Naparalisa ang mga aktibidad ng ekonomiya matapos ipatupad ang lockdown mula Marso hanggang dulo ng Mayo.

“Dahil nga po sa matinding epekto ng lockdown, ang kinakailangan po natin ngayon ay engganyuhin ang lahat na pag-ingatan ang ating mga buhay para po tayo ay makapaghanapbuhay,” giit ni Roque.

LATEST

LATEST

TRENDING