Roque, ipinaliwanag ang kawalan ng SAP sa ipinapanukalang 2021 badyet

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Nakatuon ang atensyon ng pamahalaan sa pagbibigay ng tulong sa mga Pilipino upang makapaghanapbuhay at makapagsimulang muli sa pamamagitan ng pagbibigay pautang para sa mga nais magtayo ng negosyo.

Ito ang rason kung bakit walang pondong nakalaan para sa social amelioration program (SAP) sa ipinapanukalang 2021 badyet, paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ayon sa tagapagsalita ng pangulo, tapos na ang pagbibigay ng ayuda dahil wala naman nang plano ang gobyerno na magpatupad ng malawakang lockdown kundi localized lockdowns na lamang.

Ang bagong kampanya ngayon ng pamahalaan ay ang “Ingat Buhay Para sa Hanap Buhay.”

Ang mga nais makakuha ng loans mula sa pamahalaan upang makapaghanapbuhay ay maaaring dumulog sa Department of Trade and Industry (DTI), Department of Labor and Employment (DOLE), at Department of Agriculture (DA).

LATEST

LATEST

TRENDING