PNP, hinikayat ang mga may edad at kabataan na huwag munang magparehistro para bumuto

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
JTF COVID Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar

Hinikayat ng Joint Task Force Covid Shield noong Setyembre 11 ang publiko, lalo na ang nakatatanda at mga kabataan, na ipagpaliban muna ang pagpaparehistro para makaboto sa halalan habang nasa kalagitnaan pa ang bansa ng Covid-19 pandemic.

“Hindi po bawal ‘yun subalit ang sitwasyon parang mass gathering ‘yan. Since ang registration natin ay aabot hanggang September 2021 ‘wag na muna pong makipagsabayan at ito po ay delikado para sa kanila,” ani JTF COVID Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar.

Naiulat na hiniling ng Metro Manila Council sa Inter-Agency Task Force on Emerging and Infectious Diseases (IATF) na i-delay muna ang voters’ registration dahil sa tumataas na bilang ng mga nagkakasakit ng Covid-19.

“Yun po ang ating narinig sa mga nakarang talakayan. Kami naman po sa Joint Task Foce COVID Shield ay humihimok sa ating mga kababayan na habang wala pang suspension nito ay sana po madiscourage natin ‘yung mga matatanda, mga senior citizens, at mga minors na magparegister,” dagdag pa ni Eleazar.

Muling ibinalik ng Commission on Elections ang voters’ registration noong Setyembre 1 para sa 2022 elections sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine.

Nagtakda rin ang komisyon ng health safety guidelines tulad ng pagsusuot ng face masks at shields para sa pagpaparehistro.

LATEST

LATEST

TRENDING