Senado, sinimulan na ang talakayan para sa panukalang P4.5T 2021 budget

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Inumpisahan na ng Senado noong Setyembre 9 ang talakayan hinggil sa ipinapanukalang P4.5 trilyong national budget para sa 2021 sa briefing na pinangunahan ng Development Budget Coordination Committee (DBCC).

Ang DBCC ay ang interagency body na nagtitiyak sa pangkalahatang economic targets, expenditure levels at budget ng pamahalaan.

Ito ay kinabibilangan ng Department of Budget and Management, National Economic and Development Authority, Department of Finance, at Bangko Sentral ng Pilipinas.

Noong Agosto, personal na isinumite ni Budget Secretary Wendel Avisado sa Kamara ang panukalang 2021 badyet na umaabot sa P4.506 trilyon, na mas mataas ng 9.9 percent kumpara sa 2020 budget. Nagpadala rin ng kopya ng national budget plan sa Senado.

Ayon kay Avisado, ang panukalang 2021 badyet ay nakatuon sa pagpapabuti sa healthcare systems ng bansa, pagtiyak ng food security, paglikha ng maraming trabaho sa pamamagitan ng pag-invest sa labor-intensive projects, at pagtataguyod ng isang digital government at ekonomiya, at iba pa.

Samantala, sinimulan naman ng Kamara ang budget deliberations nito noong Setyembre 4.

Nauna namang tiniyak ng chairman ng Senate finance committee na si Senador Sonny Angara, na magbubuo ang Senado ng isang “well-crafted” na national budget para sa taong 2021 bago magtapos ang taon.

Sinabi naman ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na sisiguraduhin ng 2021 badyet na muling ibabangon ang ekonomiya at epektibong susugpuin ang Covid-19.

How a country’s economy performs during COVID-19 and how quickly it can bounce back once the crisis is over will depend on its economic resilience (Ang pagtakbo ng ekonomiya ngayong pandemiya at kung paano ito mabilis na makakabangon ay nakadepende sa economic resillience),” ani Dominguez.

Dagdag pa ng kalihim, “This is why we have been consistent with our approach. We will do what is necessary, but we will not be wasteful (Kaya naman patuloy kami sa aming estratehiya. Gagawin namin ang nararapat pero hindi kami magsasayang ng pondo).”

LATEST

LATEST

TRENDING