DOH, humihiling ng mas mataas na budget para sa 2021

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Health Secretary Francisco Duque III

Humihiling ng mas malaking badyet ang Department of Health (DOH) sa 2021 para sa pagtugon nito sa Covid-19 pandemic.

Ipinaliwanag ni Health Secretary Francisco Duque III at mga kasama nito sa House health committee ang ipinapanukalang P203.74-bilyong badyet ng ahensya noong Setyembre 9, bago humarap sa appropriations panel. 

Ang proposed budget ay mas malaki nang 27 percent kumpara sa pondo ng ahensya ngayong taon.

Ayon sa mga opisyal ng DOH, ang mga target allocations para sa susunod na taon ay ang:

  • P10 bilyon para sa mga bakuna, kasama ang P2.5 bilyong halaga ng Covid-19 vaccines para sa frontliners at indigent senior citizens
  • P4.65 bilyon para sa diagnosing, preventing at treating ng infectious diseases, kabilang ang P2.67 bilyon para sa safety gear at P1.03 para sa cartridges ng GeneXpert machines na nakakapag-detect ng coronavirus; 
  • Pondo para sa deployment ng 23,364 health workers 
  • Pondo para sa 3,492 scholarship grants
  • P4.68-bilyong equipment procurement para sa 1,633 health facilities

Batay sa datos noong Setyembre 8, umabot na sa 241,987 ang bilang ng Covid-19 cases sa bansa, kung saan 52,893 ang active cases.

LATEST

LATEST