Sen. Marcos, hinikayat si PRRD na sertipikahang ‘urgent’ ang SOGIE bill

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Sen. Imee Marcos

Dapat aniyang sertipikahan bilang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ipinapanukalang anti-discrimination bill bilang “pampalubag loob” sa LGBT community, matapos nitong gawaran ng absolute pardon ang isang sundalong Amerikano na pumatay sa isang Pilipinang transwoman, pahayag ni Sen. Imee Marcos noong Setyembre 8.

Binatikos si Duterte sa social media matapos nitong pahintulutan ang maagang pagpapalaya sa US Marine at homicide convict na si Joseph Scott Pemberton, na siyang pumatay kay Jennifer Laude sa isang motel sa Olongapo noong 2014.

The outcry against Pemberton’s pardon despite the horrific killing of transgender Jennifer Laude will never be fully appeased until the bills on SOGIE (sexual orientation, gender identity and expression) are passed by Congress and signed into law (Ang hinanaing laban sa pardon ni Pemberton bagama’t pinatay ang transgender na si Jennifer Laude ay hindi mapapawi hangga’t hindi naisasabatas ang SOGIE bills),” pahayag ni Marcos.

Dagdag pa ng senadora,”Now it behooves us to guarantee that violence against the LGBT+ community and other victims of discrimination is never repeated (Ito ay nangangahulugan na dapat tiyakin na hindi na mauulit pa ang karahasan laban sa LGBT+ community at iba pang mga biktima ng diskriminasyon).”

Ang SOGIE bill – na layong parusahan ang mga magdi-discriminate batay sa Sexual Orientation o Gender Identity o Expression – ay hindi naipasa noong 17th Congress.

Noong 2019, sinabi ng pangulo na sesertipikahan niyang urgent ang isang anti-discriminatory bill, subalit hindi ito nangangahulugang ang SOGIE bill ang kanyang ipapasa

LATEST

LATEST

TRENDING