Online job fair ng CSC, may 260,000 na mga bakanteng posisyon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Ipinahayag ng Civil Service Commission na 260,000 na mga trabaho ang naghihintay para sa publiko sa gaganaping online job fair ngayong buwan.

“Mayroon tayong five-day, government online career fair…ito po ay gaganapin Sept. 14 to 18,” ani Commissioner Aileen Lizada noong Setyembre 8.

“More or less we have 260,000 vacant unfilled positions and we would like to fill them up (Mayroon tayong humigit kumulang 260,000 na mga bakanteng posisyon na nais naming mapunan),” dagdag pa ng opisyal.

Ayon kay Lizada, 700 government agencies ang nakapagparehistro sa ngayon, habang sinabi nitong hinikayat din niyang lumahok ang iba pang mga ahensya. Hanggang sa Setyembre 10 naman umano ang pagpaparehistro.

Ang gaganaping job fair ay gaganapin sa pakikipag-ugnayan sa Jobstreet.com.

Sinabi ni Lizada na kinakailangan lamang gumawa ng account ng mga naghahanap ng trabaho sa nasabing website, i-fill out ang personal data sheet at sila ay ididirekta sila sa CSC website para sa mga susunod na hakbang.

Ang listahan ng mga bakanteng posisyon ay hindi makikita bago mag Setyembre 14.

Pinaalalahanan din ni Lizada ang publiko na lahat ng transaksyon ay gananapin online, kabilang ang virtual job interviews. Sinabi rin nitong hindi required ang civil service eligibility para sa ilang mga posisyon.

“As a general rule, yes (civil service eligibility is required), but may mga position po kasing hindi nagre-require ng eligibility. Like, let’s say from salary grade 1 to salary grade 4, wala hong eligibility yan,” paliwanag ni Lizada.

Kabilang umano sa mga trabahong in demand ay ang deputy register of deeds, admin officer, attorney, accountant, procurement officer, research specialist, medical officer, guidance counselor, information technology, at engineer.

LATEST

LATEST