DOJ, isusumite ang ulat ng PhilHealth investigation sa susunod na linggo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Isusumite ng Department of Justice (DOJ) ang ulat nito tungkol sa imbestigasyon sa mga anomalya sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa susunod na linggo.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, sa pakikipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa iba pang miyembro ng Gabinete, tinatapos na nila ang imbestigasyon hinggil sa PhilHealth ay ilalabas na ang ulat at rekomendasyon sa Setyembre 14.

By Sept. 14, that’s Monday, we will be able to submit to you our report and our recommendations including the possible filing of administrative and/or criminal charges against persons in PhilHealth who we shall find to be probably responsible for certain anomalies or irregularities (Sa Lunes, Setyembre 14, isusumite namin ang aming ulat at rekomendasyon sa’yo kasama ang posibleng pagsasampa ng mga kasong kriminal at administratibo laban sa mga empleyado ng PhilHealth na sangkot sa mga anomalya at iregularidad),” ani Guevarra kay Duterte.

Idinagdag din ng kalihim na posibleng magsampa lamang ng mga kaso matapos isumite ng DOJ ang ulat nito kay Duterte.

Nauna namang inirekomenda ng Senate Committee of the Whole ang pagsasampa ng kasong graft at malversation laban kay Duque, resigned PhilHealth president Ricardo Morales, at iba pang executives ng PhilHealth, dahil sa pag-apruba umano ng mga ito sa paglalabas ng Covid-19 funds sa mga health facilities na hindi naman tumutugon sa coronavirus patients.

Hindi bababa sa 17 na mga senador ang naunang naglagda ng board resolution upang hikayatin si Duque na magbitiw bilang pinuno ng Department of Health (DOH), dahil umano sa kapabayaan nitong pigilan ang paglaganap ng Covid-19 sa Pilipinas.

Gayunpaman, nananatiling buo pa rin ang tiwala ni Duterte kay Duque.

LATEST

LATEST

TRENDING