DOH: Hindi makabubuti kung papalitan ang DOH secretary ngayong Covid-19 pandemic

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Sinabi ng Department of Health (DOH) na hindi tama kung papalitan ang pinuno nito habang kinakaharap ng bansa ang Covid-19 pandemic.

Muli namang ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagtitiwala kay DOH Secretary Francisco Duque III bagama’t ipinapanawagan ang pagbibitiw nito.

“Sa isa pong ganitong kalaki sitwasyon for health, it is really not proper and sa tingin ko hindi po appropriate na magpapalit po tayo ng pamunuan sa gitna ng pandemyang ito,” ani DOH Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire.

Dagdag pa ng opisyal, “Hindi naman po siya nagkulang sa direksyon at pamumuno sa kagawaran ng kalusugan at nakita naman natin how he has led the response for Covid-19.”

Ayon kay Vergeire, bukas naman ang ahensya sa mga rekomendasyon kung paano mapapagbuti ang pandemic response.

Aniya, “Sana po magkaroon na lang ng unified na pagsuporta kung sinuman po ang namumuno sa ngayon sa ating bansa.”

Ilang beses nang ipinanawagan ng mga senador ang resignasyon ni Duque sa puwesto dahil sa “kapalpakan” umano nito sa pamumuno sa Covid-19 response.

Tinanggihan naman kamakailan ni Sen. Panfilo Lacson ang plano ng Kamara na bigyan ng emergency powers si Duterte para ayusin ang kurapsyon sa PhilHealth, at mas makabubuti aniya kung sisibakin si Duque bilang board chairman ng korporasyon .

LATEST

LATEST

TRENDING