DepEd, tinanggihan ang panawagan para sa ‘academic freeze’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
DepEd Secretary Leonor Briones

Tinanggihan ng Department of Education (DepEd) noong Setyembre 9 ang mga panawagan na magpatupad ito ng “academic freeze” o suspensyon ng klase habang nasa gitna ng Covid-19 pandemic, dahil isa umano itong “shortsighted” na solusyon.

We would like to dismiss this call as not something that is supported by the direction of DepEd for learning continuity (Tinatanggihan namin ang panawagang ito dahil hindi ito suportado ng direksyon ng DepEd para sa pagpapatuloy ng pag-aaral),” ani DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan.

Dagdag pa ng opisyal, “This position is shortsighted as it does not take into consideration the trade-off of prolonged interruption (Shortsighted ang posisyong ito dahil hindi nito kinokonsidera ang trade-off ng matagalang suspensyon).”

Nauna ring tinanggihan ng isang private school group ang panawagan para sa academic freeze, dahil seryoso umano at “compounding” ang epekto nito tulad ng learning loss.

Ipinahayag ng Coordinating Council of Private Educational Associations na ang kanselasyon ng mga klase sa lahat ng antas simula Marso para mapigilan ang paglaganap ng Covid-19 ay nagresulta sa pagkatanggal ng mga natutunan ng mga estudyante mula sa nagdaang school year. Ayon sa COCOPEA, nawalan ang mga estudyante ng halos “isang taon ng learning”.

Patuloy naman ang panawagan ng mga netizens para sa suspensyon ng klase hangga’t hindi pa nakokontrol ng pamahalaan ang pananalasa ng Covid-19 pandemic, dahil sa hirap na nararanasan ng mga guro at mag-aaral tulad ng kawalan ng internet at gadgets.

Inurong ng DepEd ang pagbubukas ng 2020-2021 school year mula kindergarten hanggang high school sa Oktubre 5 mula sa naunang Agosto 24. Subalit, pinayagan naman ng ahensya ang ilang private basic educational institutions na magklase bago pa man mag-Oktubre basta’t limitado lamang ito sa distance learning.

Batay sa datos noong Setyembre 9, 24,305,551 ng mga mag-aaral na ang nagpa-enroll sa mga pampubliko at pampribadong paaralan para sa darating na school year, ayon naman kay DepEd Secretary Leonor Briones.

LATEST

LATEST

TRENDING