Covid-19 vaccine ng Russia, pumasa sa ‘early trial test’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: Russian Health Ministry

Ang mga pasyenteng kalahok sa unang tests ng Russian coronavirus vaccine ay nag-develop ng antibodies at sila ay nakitaan ng walang “seryosong adverse events”, ayon sa pag-aaral na inilathala sa medical journal na  The Lancet noong Setyembre 4.

Subalit, binigyang diin ng mga eksperto na masyadong maliit ang mga trials para mapatunayang ligtas at epektibo ang bakuna.

Inanunsyo ng Russia noong Agosto na ang ginawa nitong bakuna kontra Covid-19 na “Sputnik V” ay inaprubahan na. Nangamba naman ang mga kanluraning siyentipiko dahil sa kawalan ng safety data ng bakuna.

Sa pag-aaral na inilathala sa The Lancet, nag-ulat ang mga mananaliksik mula Russia tungkol sa dalawang maliit na trials na kinabibilangan ng 38 healthy adults na nasa edad 18 hanggang 60. Sila ay binigyan ng two-part immunization. 

Ang bawat isa ay binigyan ng dose sa unang bahagi ng bakuna at binigyan naman kinalaunan ng booster sa ikalawang bahagi makalipas ang 21 na araw.

Sila ay isinailalim sa monitoring sa loob ng 42 na raw at silang lahat ay nakapag-develop ng antibodies sa unang tatlong linggo.

Ayon sa ulat, ipinapakita ng datos na “ligtas, well tolerated, at hindi nagdudulot ng seryosong adverse events” ang bakuna sa mga boluntaryong adulto.

Ayon naman kay Naor Bar-Zeev ng Johns Hopkins Bloomberg School of Public Health, maganda ang pag-aaral subalit maliit. Ibig sabihin, hindi ito nagbigay ng anumang datos tungkol sa pagiging epektibo nito sa mga matatanda, na bulnerable sa Covid-19.

Showing safety will be crucial with COVID-19 vaccines, not only for vaccine acceptance but also for trust in vaccination broadly (Ang pagpapakita ng pagiging epektibo ay mahalaga sa Covid-19 vaccines, hindi lamang sa pagtanggap nito kundi para sa malawakang pagtitiwala sa bakuna),” ani Naor.

Dagdag pa nito, “Since vaccines are given to healthy people and, during the Covid-19 pandemic, potentially to everyone after approval following phase 3 trials, safety is paramount (Dahil ibinibigay ang bakuna sa malulusog na tao, sa Covid-19 pandemic, at sa lahat matapos aprubahan sa phase 3 trials, lubos na mahalaga ang kaligtasan).”

Hinikayat naman ng World Health Organization ang Russia na sundin ang mga panuntunan at sumailalim ang bakuna sa lahat ng stages upang matiyak na ligtas ito.

Ang Sputnik V ay nilikha ng Gamaleya research institute for epidemiology and microbiology sa Moscow, Russia, sa pakikipagkoordinasyon sa Russian defense ministry. 

LATEST

LATEST

TRENDING