PNP, imo-monitor ang social media para sa quarantine violations

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Joint Task Force COVID Shield Commander PLt. Gen. Guillermo Eleazar

Ipinag-utos ng Joint Task Force COVID Shield, sa pakikipagkoordinasyon sa Philippine National Police (PNP), sa lahat ng police commanders na i-monitor ang social media para matukoy ang mga posibleng paglabag sa quarantine protocols tulad ng pagdaraos ng mass gatherings, parties, at inuman.

Ayon kay JTF COVID Shield Commander PLt. Gen. Guillermo Eleazar, maraming larawan sa social media ang maaaring gamiting ebidensiya laban sa mga taong “matitigas ang ulo” na patuloy umanong lumalabag sa quarantine protocols.”

These can be used as pieces of evidence to warn, to fine and to summon the people concerned in coordination with the barangay officials concerned (Puwede itong gamitin bilang ebidensiya para pagsabihan, pagmultahin, at ipatawag ang mga tao, habang nakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng barangay),” ani Eleazar noong Setyembre 5.

Dagdag pa ng opisyal, ang mga mahuhuling nakikipag-inuman ay posibleng maharap sa karagdagang mga kaso kung may umiiral na liquor ban sa lugar ng suspek.

Hinikayat din ni Eleazar ang mga netizens na tulungan ang PNP sa paghabol sa mga violators, kahit pulis pa man ang mga ito.

I will see to it that everybody who imposes or implements the law shall be disciplined and should also follow the law they are implementing (Titiyakin kong magiging disiplinado ang mga tagapagpatupad ng batas at susundin nila ito),” wika naman ni PNP chief General Camilo Cascolan.

Batay sa datos ng JTF COVID Shield, mahigit 365,000 na mga indibidwal na ang napagsabihan, nagbayad ng multa, at sinampahan ng kasong paglabag sa mga quarantine protocols simula noong Marso 17.

LATEST

LATEST

TRENDING