OVP, nakakuha ng pinakamataas na audit rating para sa 2019 ayon sa COA

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangalawang Pangulo Leni Robredo

Kinilala ng Commission on Audit (COA) ang Office of the Vice President bilang isa sa mga ahensya ng pamahalaan na may pinakamataas na audit rating, sa loob ng tatlong taon.

Nagbigay ang komisyon ng “unqualified opinion” tungkol sa financial reports ng ahensya, kung saan nangangahulugan itong maayos ang pagkakapresenta ng mga ito. Ang OVP ay nakatanggap ng pinakamataas na rating simula 2017, kung kailan nakaka-isang taon pa lamang si Pangalawang Pangulo Leni Robredo sa kanyang termino.

Samantala, nakakuha rin ng parehong rating Energy Regulatory Commission sa ilalim ng Department of Energy (DOE) at ang Insurance Commission sa ilalim naman ng Department of Finance (DOF), para sa 2019.

Subalit, na-obserbahan din ng COA ang ilang unutilized funds mula sa OVP medical assistance program. Ayon sa komisyon, nakapag-deliver lamang ang ahensya ng mahigit ₱122 milyon o 38.64 percent ng pondo habang ₱195,088,333 naman ang nanatiling nakatengga noong Disyembre 31. Layunin ng nasabing programa ang magbigay ng financial assistance sa publiko para sa chemotherapy, surgeries, hemodialysis at iba pang medical procedures.

Gayunpaman, ipinaliwanag ng OVP na ang mababang paggastos sa pondo ay dahil sa ilang mga dahilan tulad ng ban sa pagbibigay ng assistance noong 2019 election period, ayon sa COA.

Ito rin ay iniugnay sa pagbabago ng palisiya mula cash-based patungo sa guarantee letter basis kung saan nalimitahan ang access sa programa.

Ayon sa OVP, ang bagong palisiya ay upang matiyak na mas maraming tao sa labas ng Metro Manila ang makatatanggap ng assistance. Nangako naman ang OVP na ire-review nito ang guidelines ng programa.

While the impact of the change in policy may take considerable time before the objectives can be fully met, expanding the reach to more indigent and vulnerable families significantly improved during the year (Bagama’t posibleng matagalan pa ang epekto para maiskatuparan ang mga layunin, malayo naman ang naabot ng programa na mga bulnerable at mahihirap na pamilya ngayong taon),” paliwanag ng COA.

Pinuna naman ng COA ang 112 transactions na nagkakahalaga ng ₱13 milyon sa Training and Representation Expenses ng OVP na hindi sinuportahan ng required official receipts o sales invoice.

Ipinagbigay-alam naman aniya sa komisyon na may mga resibo ang OVP subalit hindi naisumite dahil sa dami ng transaksyon at trabaho sa ahensya.

Inirekomenda ng COA sa OVP accountant na i-attach ang mga karampatang dokumento at i-monitor ang pagsusumite ng receipts at invoices.

Sa kabuuan, nakapagtala ang OVP ng mahigit 80 percent na budget utilization sa loob ng tatlong taon.

LATEST

LATEST

TRENDING