WHO: Mga tao, hindi mga bansa, ang dapat bigyang prayoridad sa Covid-19 vaccine

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus
Kuha ni: Frabrice Coffrini (AFP via Getty Images)

Ipinahayag ng World Health Organization (Who) na mga tao – hindi mag bansa – ang dapat bigyang prayoridad sa pagdating ng bakuna kontra Covid-19.

The first priority must be to vaccinate some people in all countries, rather than all people in some countries (Ang unang prayoridad ay ang pagbabakuna sa ilang tao, sa lahat ng mga bansa, at hindi sa lahat ng tao sa mga piling bansa),” pagbibigay diin ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus noong Setyembre 4.

Dagdag pa ni Tedros, “We want all people everywhere to have access to vaccines. But initially, when supply is limited, priority must be given to vaccinating essential workers and those most at risk, including older people and those with underlying conditions (Nais nating magkaroon ng access ang lahat ng tao sa bakuna. Subalit, dahil sa limitadong suplay, dapat bigyang prayoridad ang mga essential workers at mga at risk, tulad ng mga matatanda at may mga iniindang karamdaman).”

Ayon sa WHO Director-General, ang epektibong paggamit ng bakuna kontra Coviid-19 sa buong mundo ay isang “global public good” at ito ay nasa “pambansang interes ng bawat bansa”.

Vaccine nationalism will prolong the problem, not shorten it (Mas papalalain ang problema ng vaccine nationalism sa halip na paikliin ito),” ani Tedros.

LATEST

LATEST

TRENDING