Roque: Pagpapaganda ng Manila Bay, makatutulong sa mental health ng mga Pinoy

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Dinipensahan ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Setyembre 5 ang hakbang ng pamahalaan sa paglalagay ng artificial white sand sa dalampasigan ng Manila Bay, dahil makatutulong umano ito sa pagpapabuti ng kalusugang pangkaisipan ng mga Pilipino ngayong panahon nga pandemiya.

Aniya, “Sa gitna ng pandemya, kailangan din pangalagaan ang mental health. I think iyong pagpapasyal sa mga lugar kagaya ng Manila Bay na may white beach, hindi mo maku-quantify ang epekto niya pagdating sa mental health ng ating mga kababayan, ‘yong kapayapaan na mag-isip at ‘yong break”.

Ayon kay Roque, makakadagdag din ang makeover sa pagpapaganda sa imahe ng Manila Bay, na tanyag dahil sa maganda nitong sunset.

With the white beach there, it would be one of the most picturesque sceneries in the whole world (Dahil may white beach na doon, magiging isa ito sa pinakamagandang tanawin sa buong mundo),” ani Roque.

Kumpiyansa ang tagapagsalita ng pangulo na pinag-aralan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang white sand project dahil hindi nila aniya ito gagawin kung hindi pinag-aralan.

Ang “white sand” na ginamit sa Manila Bay beach area sa kahabaan ng Roxas Boulevard ay nagmula sa dinurog na dolomite boulders galing Cebu.

Kasalukuyang nasa Phase 1 ng Manila Bay beach nourishment project ang DENR at Manila Bay Task Force. Inaasahan namang matatapos ang paglalagay ng buhangin sa Setyembre 19.

LATEST