Duque, dinipensahan ang pagukukulang sa PhilHealth

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
JULY 28, 2019 DOH Secretary Francisco Duque. EDWIN BACASMAS

Ipinagtanggol ni Health Secretary Francisco Duque III noong Setyembre 2 ang kanyang sarili tungkol mula sa mga alegasyon na nagkulang ito sa pagtugon sa kontrobersyal na reimbursement scheme sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) dahil nakatuon umano ang kanyang atensyon sa laban kontra Covid-19.

Aniya, “Hindi po ako nakasama sa pag-aaral nito (interim reimbursement scheme) noong unang panahon dahil sa tindi ng aking trabaho bilang chairman ng IATF (Inter-Agency Task Force), na ang aming tinutugunan ay yung mismong paglaki ng bilang ng COVID-19,”

Humarap si Duque sa House Committee on Public Accounts at Committee on Good Government and Public Accountability, isang araw matapos irekomenda ng Senate Committee of the Whole na kasuhan ang kalihim, si resigned PhilHealth chief Ricardo Morales, at iba pang mga opisyal ng PhilHealth hinggil sa umano’y hindi tamang paggamit sa interim reimbursement mechanism o IRM ng PhilHealth..

“Talagang napakahirap po ng ating trabaho dahil maliban sa aking pamamalakad sa Department of Health, from PhilHealth, ay pinapangasiwaan ko pa ang IATF kung saan meron kaming 33 member agencies. Napakahirap po talaga,” ani Duque.

Nilinaw naman ni Duque na bilang PhilHealth chairman, wala siyang boto sa mga pagpapasya sa ilalim ng universal healthcare law. Idiniin nitong hindi niya nilagdaan ang resolution na nagpapahintulot ng advance payments para sa mga ospital na may Covid-19 response.

Ayon sa mga senador, kinakailangan pa ring pangasiwaan ng chairman ang kalakaran ng korporasyon.

“It doesn’t mean that just because they cannot vote, hindi na sila makikialam,” giit ni Senate President Tito Sotto.

Sinabi rin ng Senado na dapat managot ang kalihim para sa “malversation of public funds” at kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Binanggit naman ni Senador Ping Lacson na mayroong 632 transactions na kabilang ang IRM, na katumbas ang 632 counts ng malversation.

Iginiit naman ni Duque na makikipagkooperasyon siya sa kahit anumang pag-imbestiga.

Kinuwestyon ng mga mambabatas ang implementasyon ng IRM na layong tulungan ang mga ospital na makapag-operasyon kahit nasa pandemiya. Subalit, ang perang ibinigay sa 279 facilities bago pa man makumpleto ang requirements. Nakumpleto rin ito noong Hunyo 11, subalit nakapaglabas na ang ahensya ng mahigit P14 bilyon mula Marso 25.

LATEST