Covid-19 curve ng bansa, na-flatten na ayon sa mga eksperto

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: Reuters

Na-flatten na ang Covid-19 curve ng Pilipinas, pahayag ng isang grupo ng mga mananaliksik. Subalit, nagbabala ang mga ito na huwag maging kampante habang nasa gitna pa ng pandemiya.

Ayon kay University of the Philippines professor at OCTA Research Team fellow Guido David, ang coronavirus reproductive rate ng bansa— isang statistic na ginagamit sa pagsukat sa rate ng virus transmission— ay bumaba na sa 1.

“Actually na-flatten na siya,” ani David, habang ipinahayag na bumaba ang Covid-19 reproductive number sa 0.94 mula 0.99 noong nakaraang linggo.

Dagdag pa nito, “So nagde-decrease pa siya and that is very good news. Ibig sabihin, nasu-sustain natin ‘yung flattening of the curve.”

Ang reproductive number ay isang epidemiologic metric na ginagamit sa paglalarawan ng “contagiousness” o transmission potential ng mga nakakahawang pasyente, ayon sa National Center for Biotechnology Information ng Estados Unidos.

Nirerepresentahan nito ang bilang ng mga tao na maaaring nahawa ng isang kumpirmadong kaso. Kung iisipin, dapat 1 ito o mas mababa pa, dahil ang anumang halaga pataas ng 1 ay nangangahulugan na mayroon pa ring community transmission, ayon sa medical experts.

Gayunpaman, hinikayat pa rin ni David ang mga Pilipino na huwag maging “masyadong excited” dahil posibleng magbago ang datos anumang oras.

“We would like to remind people not to be overly excited dito sa flattening of the curve. Yes, we’re seeing it pero the trends are not irreversible… Ibig sabihin, we could have another surge,” giit ni David.

Dagdag pa nito, “The virus is still here, we’re still getting around 3,000 cases per day and so we have to sustain ‘yung momentum, to sustain the gain. So we have to keep doing the right things and to not falter (Narito pa rin ang virus, mayroon pa rin tayong 3,000 cases bawat araw kaya dapat mapanatili natin yung momentum para hindi masayang. Dapat ipagpatuloy ang mga tamang nagawa).”

Bukod sa reproductive figure, sinabi rin ni David na pababa na ang positivity rate— isa sa pangunahing datos na pinag-aaralan at mino-monitor ng mga eksperto. Mula sa daily average na mahigit 4,000 cases noong kalagitnaan ng Agosto, bumaba na ito sa 3,000 sa mga nagdaang araw.

Bumaba na rin aniya ang Covid-19 bed occupancy rate sa Metro Manila, dagdag pa ng propesor.

Bagama’t magandang balita ang ibinunyag ni David, hinikayat pa rin nito ang pamahalaan na pag-isipang mabuti ang planong pagpapagaan ng quarantine protocols sa Kamaynilaan, na kasalukuyang nasa ilalim ng general community quarantine hanggang dulo ng Setyembre.

Batay sa datos noong Setyembre 5, umabot na sa mahigit 230,000 ang Covid-19 cases sa bansa. Sa bilang na ito 161,668, na ang gumaling habang 3,790 naman ang nasawi.

LATEST

LATEST

TRENDING