Task Force PhilHealth, bubusisiin ang findings ng Senado tungkol sa PhilHealth

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Magsasagawa ng evaluation ang multi-agency task force na nagsasagawa ng imbestigasyon sa mga bumabalot na isyu sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) tungkol sa naging findings ng Senado hinggil sa kaso, ayon sa Malacañang noong Setyembre 2.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, iginagalang ng Palasyo ang report at rekomendasyon ng Senate Committee of the Whole tungkol sa mga anomalya ng PhilHealth, subalit idiniin na hihintayin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang findings ng Task Force PhilHealth tungkol sa isyu.

I think the Task Force itself will evaluate the findings of the Senate. I’m almost sure that the Senate has transmitted all the evidence it has gathered in the course of its investigation (Sa tingin ko ie-evaluate ng Task Force ang  findings ng Senado. Tiyak akong isinumite ng Senado ang lahat ng ebidensiya na kinalap sa imbestigasyon),” ani Roque.

The President will have to await the formal findings of his own Task Force. But as I said, the investigation in aid of legislation is always welcome. It is a recognized power of the Senate, we respect their findings (Hihintayin ng pangulo ang pormal na findings ng kanyang sariling Task Force. Gayunpaman, iginagalang namin ang findings mula sa imbestigasyon ng Senado),” dagdag pa nito.

Naunang inirekomenda ng Senate committee of the whole ang pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo laban kay Health Secretary at PhilHealth board chair Francisco Duque III, resigned PhilHealth President Ricardo Morales, at iba pang mga sangkot na opisyal.

Sa committee report na iprenesenta ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III noong Agosto 31, napagkasunduan ng panel na dapat panagutin ang mga nabanggit na opsiyal tungkol sa mga iregularidad, at maanomalyang implementasyon ng cash advances o interim reimbursement mechanism.

Iginiit naman ni Roque na magkakaroon ng “in depth” na evaluation ang findings ng Task Force na inaasahang isusumite kay Duterte sa Setyembre 14.

LATEST

LATEST