PhilHealth, itinanggi ang pagbibigay ng P600M na amnesty sa mga ospital na may late claims

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Itinanggi ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) noong Setyembre 4 na nagpasya itong mamigay ng mahigit ₱600 milyong sa mga ospital, kung saan may mga claims ang mga ito na tinanggihan dahil sa late filing.

The possibility of these claims being considered for payment under an amnesty program is still subject to issuance of a signed Board resolution as well as specific guidelines thereafter (Ang posibilidad ng mga claims na ikinokonsidera para sa pagbabayad sa ilalim ng amnesty program ay nakadepende sa paglalabas ng pirmadong Board resolution pati na rin ang mga guidelines kasunod nito),” pahayag ni Executive Vice President and COO Arnel De Jesus.

Dagdag pa nito, “All of these have not yet been realized and therefore no fund release to speak of (Ang lahat ng ito ay hindi pa naisasakatuparan kaya’t wala pang pondo na posibleng mailabas).”

Sinabi rin ng opisyal na magpapadala ang PhilHealth ng mga dokumento sa Kongreso para ipagtanggol ang posisyon nito.

Tinalakay naman ni Surigao Del Norte Rep. Ace Barbers ang isyu sa ginanap na pagdinig noong Setyembre 2 tungkol sa mga anomalya sa PhilHealth.

Ayon sa mambabatas, ilang mga ospital mula 2011 to 2019 ay hindi nabigyan ng benefit claim payments dahil sa late filing, kung saan umabot ito sa halagang halos ₱4 bilyong.

Subalit, noong Mayo 14 nitong taon, binigyan umano ng PhilHealth board ang mga ito ng amnesty na nagkakahalagang ₱600 milyon.

“Dahil nga daw po may pandemic at kinailangan ng financial security at capability ang HCIs kaya babayaran ito,” ani Barbers.

Kinumpirma naman ni PhilHealth Corporate Secretary Jonathan Mangaoang na mayroon ngang ganitong proposal para sa nasabing kasunduan.

Naunang tinalakay din ang parehong paksa sa Senate investigation tungkol sa PhilHealth.

Sinabi ni Senate President Tito Sotto na hindi masabi ng mga PhilHealth officials kung ilang beses nang nagbigay ng amnesty ang board noong nakaraan.

LATEST

LATEST

TRENDING