Cayetano, dismayado sa mga prayoridad ng MTRCB

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
House Speaker Alan Peter Cayetano

Nadismaya si House Speaker Alan Peter Cayetano sa umano’y maling prayoridad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), na nagpapanukala na isailalim sa regulasyon ang mga ipinapalabas sa video streaming platforms.

Hindi umano akma ang timing nito dahil nasa kalagitnaan ng pandemiya ang bansa.

Aniya, “Ang dami na ngang problema ng mga kababayan natin, tapos ito pa ang gustong unahin ng MTRCB? If they really want to be relevant at this time, sana ang iniisip is kung paano makakatulong sa pagpapa-improve ng industriya.”

Ayon kay Cayetano, hinaharangan ng MTRCB ang mga naging hakbang ng Kongreso at iba pang mga ahensya para “buksan ang mga linya ng komunikasyon sa publiko.” Pinuna rin nito ang apela ni MTRCB legal affairs chief Jonathan Presquito sa Kamara na payagan ang MTRCB na i-screen ang mga online content, dahil katumbas umano ito sa censorship.

“MTRCB is focused on the outdated mindset of information regulation and censorship. Anong dekada na ba kayo?” tugon ni Cayetano.

“Nakakagulo ng isip” aniya ang mga suhestyon ng MTRCB sapagkat hindi naman saklaw sa kapangyarihan nito ang online streaming platforms, katulad ng Netflix, dahil isinabatas ang Presidential Decree No. 1986 bago pa man ito malikha.

Gigisahin naman aniya ng mga mambabatas ang mga opisyal ng MTRCB sa budget deliberations ng Kongreso tungkol sa kanilang mga ideya.

Tinalakay ni Presquito sa isang Senate hearing noong Setyembre 3 ang panukalang Internet Transactions Act kung saan layong ipagbawal ang distribusyon ng unrated motion pictures sa ilalim ng MTRCB law.

Nire-require ng ahensya ang registration ng mga gagawa ng mga nasabing content para tiyakin na ang mga ipapalabas na materyal ay naaayon sa edad, walang ipinagbabawal na content, at awtorisado ang video distributor nito.

LATEST

LATEST