Pilipinas, nakipagpulong sa Pfizer at Russian Covid-19 vaccine developers

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: Russian Direct Investment Fund

Ibinalita ng Department of Health (DOH) na makikipagpulong ito sa Covid-19 vaccine developers sa Setyembre 4 para pag-usapan ang posibilidad ng pagdaraos ng clinical trials sa bansa.

“We have a meeting with Pfizer at 1 o’clock this afternoon, together with the Office of the President, of course with the Secretary and DFA (Department of Foreign Affairs),” ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Nauna namang sinabi ni US President Donald Trump na “nagwagi” ang pamahalaan ng Amerika sa ginawa nitong kasunduan sa Pfizer at biotache firm na BioNTach, na kasalukuyan ay nagdedevelop ng apat na potential vaccines kontra Covid-19.

Ayon kay Vergeire, ibabahagi nila sa media at sa publiko ang mga impormasyong makukuha sa nasabing pagpupulong.

Iginiit din nitong hindi ito makakaapekto sa mga negosasyon sa vaccine developers mula Russia at China.

Aniya, “Itong sa Russian vaccine we have a meeting with the Russian Embassy today at 3 p.m.”

Nag-uusap ang Pilipinas at Russia para sa posibilidad ng pagdaraos ng Phase III clinical trials ng Sputnik V vaccine sa bansa. Bukod dito, pinag-uusapan din ng dalawang bansa ang tungkol sa manufacturing o distribusyon ng bakuna sakaling maaprubahan na ito.

Naging kontrobersyal ang bakuna ng Russia matapos itong bigyan ng regulatory approval bagama’t Phase II trials lamang ang nakumpleto nito.

Subalit, nilinaw ng pamahalaan na ginagamit lang ito ng health care workers at sasailalim pa rin ito sa Phase III o large-scale testing para sa kaligtasan at pagiging epektibo.

Bago pa man ang mga negosasyon, nakikipagpulong na rin ang Pilipinas sa China, kung saan unang naitala ang kauna-unahang Covid-19 cases sa buong mundo, para sa iba’t-ibang bakunang dini-develop dito.

Ayon kay Vergeire, pinag-iisipan pa nila ang pagsasaayos sa mga kasunduan sa IP Biotech, ang kumpanyang gagawa at mamamahagi s Sinovac vaccine ng China sa Pilipinas.

Hihintayin pa nila umano ang Confidentiality Disclosure Agreement para mapahintulutan ang mga ekspertong Pilipino na suriin ang mga dokumento ng vaccine developer para makita ang resulta ng mga naunang clinical trials.

“Hopefully pag natapos na lahat ng legalities na kailangan i-ayos we can start and we can share that information with all of you,” wika ni Vergeire.

LATEST

LATEST

TRENDING