Malacañang, kinilala ang panukala ng Kongreso sa pagbibigay ng emergency powers kay PRRD

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte
Kuha ni: Albert Alcain (Presidential Photo)

Ipinahayag ng Malacañang noong Setytembre 3 na kinikilala nito ang panukala ng Kongreso na bigyan ng karagdagang mga kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte para tugunan ang kurapsyon sa Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque,”Nais ko po munang makita kung ano talaga iyong specific emergency powers na gustong ibigay po ng Kamara at iyan naman po ay most welcome kung talaga pong kinakailangan.”

In so far as the power of Congress is concerned, they have the power to grant emergency powers (May kapangyarihan ang Kongreso na magbigay ng emergency powers sa pangulo),” paglilinaw ni Roque.

Kinilala rin ni Health Secretary Francisco Duque III, na siya ring chairman ng PhilHealth board, ang nasabing panukala ng Kongreso.

“Sinusuportahan natin ‘yung wisdom ng Congress na bigyan ng special powers ang Pangulo para talagang mapabilis ang reporma ng PhilHealth at matugunan lahat ng kahinaan ng sistema o kakulangan at mapuno itong mga puwang at para magkaroon ng mas malakas o robust social health insurance system ang bayan,” ani Duque.

Noong Agosto, bumuo ng task force si Duterte na pangungunahan ng Department of Justice para paimbestigahan ang mga alegasyon ng malawakang kurapsyon sa loob ng PhilHealth. Inaasahang isusumite ng naturang task force ang ulat nito sa pangulo sa Setyembre 14.

Nauna namang inirekomenda ng Senate Committee of the Whole ang pagsasampa ng kasong kriminal laban kay Duque, resigned PhilHealth chief Ricardo Morales, at iba pang mga opisyal ng PhilHealth na sangkot umano sa katiwalian sa ahensya.

LATEST