Mahigit 585,000 Covid-19 cases sa bansa, posible sa dulo ng taon: UP experts

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula kay: J. Contreras (Covid19data.com)

Nag-estima ang isang grupo mula University of the Philippines (UP) na posibleng pumalo sa mahigit kalahating milyon ang bilang ng Covid-19 cases sa bansa sa dulo ng taon.

Gamit ang datos ng Department of Health (DOH) noong Agosto 31, nagsagawa ng prediksyon ang UP Covid-19 Pandemic Response Team, kung saan posibleng maitala sa bansa ang 402,821 hanggang 767,611 cases, o average na 585,216 cases, sa Disyembre 31, 2020.

Ayon sa update na nakapost sa Endcov.PH website, mayroon din umanong tinatayang 2 milyong detected at undetected cases.

Nilinaw naman ni Dr. Peter Cayton, isang UP statistics professor at miyembro ng grupo, na ilan sa mga factors na kanilang kinokonsidera sa inilalabas na projections ay ang paggalaw ng tao, detection ng cases, at reporting ng delays.

Nakasaad sa website ng grupo na ang modelong kanilang ginagamit para sa projections ay “nag-aasume ng medium risk” kung saan hindi ito ang worst-case scenario.

Tumitingin ito sa relative effect ng population density sa pagkalat ng nakamamatay sa sakit.

Alinsunod sa parehong projections, ang estimated number naman ng active cases pagpatak ng Disyembre 31 ay maglalaro mula 20,991 hanggang 116,726. Sa average, 13,771 umano mula sa kabuuang bilang ng active cases ay malala at kritikal.

Samantala, inaasahan namang aabot sa 5,059 hanggang 10,094 ang bilang ng mga nasasawi ayon sa projection ng pangkat.

Batay sa datos noong Setyembre 3, 228,403 na ang kabuuang bilang ng Covid-19 cases sa bansa habang nasa 65,240 naman ang aktibo. Samantala, 3,688 na ang nasawi habang 159,475 naman ang gumaling mula sa nakamamatay na sakit.

LATEST

LATEST

TRENDING