Duque, idinidiin ang pagka-inosente tungkol sa mga isyung bumabalot sa PhilHealth

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Health Secretary Francisco Duque III

Idiniin ni Health Secretary Francisco Duque III noong Setyembre 2 na inosente siya kahit na inirekomenda na ng Senado ang pagsasampa ng kasong malversation at graft laban sa kanya at sa ilan pang mga opisyal dahil sa pagkakasangkot sa kurapsyon sa Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth).

Sa inilabas na ulat noong Setyembre 1, sinabi ng Senate Committee of the Whole na may pananagutan si Duque at dapat itong sampahan ng kasong kriminal dahil sa “improper and illegal implementation” ng kontrobersyal na interim reimbursement mechanism (IRM) ng PhilHealth kung saan lumabag ito sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, kasama ang iba pang mga opisyal.

Kasama rin sa inirekomendang makasuhan ay si PhilHealth president at CEO Ricardo Morales. 

Ang IRM ay isang sistema ng maagang fund disbursements para sa mga ospital sa tuwing panahon ng sakuna. Napag-alaman ng Senado na may mga iregularidad sa paglalabas ng IRM ngayong taon, dahil nabigyan ng malaking pondo ang mga dialysis center sa halip na mga Covid-19 hospitals.

If the findings are designed to remove me, let it be said that I have a constitutional duty to do my job unless the President says otherwise. If my service is no longer needed, I will go but I will clear the name of my father first because I have not caused any injury to the government and to the Filipinos (Kung nakasaad sa findings na dapat akong sibakin, sasabihin ko lang na tungkulin ko ang magsilbi hangga’t sinabi ng pangulo na tama na. Kung hindi na ako kailangan, aalis ako subalit lilinis ko muna ang pangalan ng aking ama dahil wala akong ginawang masama sa pamahalaan at sa mga Pilipino),” pahayag ni Duque.

Sinabi rin ng kalihim na wala siyang kinalaman sa PhilHealth Board Resolution No. 2515 na may petsang Marso 31, 2020, kung saan ito ang nagsilbing batayan sa paglalabas ng PhilHealth Circular tungkol IRM na ilinathala nang mas maaga nang isang linggo.

Ayon kay Duque, na siyang chairman ng PhilHealth board, ginagawa lamang niya ang kanyang mga trabaho.

These are not normal times and it is not easy for me to just accept all the blows hurled at me. I attended the Senate hearing to cooperate with the Senate in ascertaining the truth. I am disappointed though that the Senate has recommended the filing of charges against me (Hindi normal ang panahon ngayon at hindi madaling tanggapin ang mga pambabato sa akin. Dumalo ako sa Senate hearing kasi nais kong tulungan ang Senado na hanapin ang katotohanan. Dismayado akong inirekomenda ng Senado na kasuhan ako),” ani Duque.

Gayunpaman, kumpiyansa ang kalihim na magiging patas at makatarungan ang Senado.

Unang ipinanawagan ng mga senador ang pagbibitiw ni Duque dahil sa umano’y kakulangan ng kalihim sa Covid-19 response.

Bagama’t sang-ayon ang mga health groups at ilang mambabatas tungkol sa pagkukulang ni Duque, nilinaw ng Malacañang noong Setyembre 2 na buo pa rin ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang itinalagang Department of Health (DOH) Secretary.

Idinagdag din ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hihintayin ng pangulo ang rekomendasyon ng multi-agency task force, na pinangungunahan ng Department of Justice, na nag-imbestiga sa mga anomalya sa PhilHealth.

LATEST

LATEST