Sotto: Pagsabi ni Duque na wala siyang alam sa mga isyu ng PhilHealth, patunay na ‘guilty’ ito

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Senate President Vicente Sotto III
Kuha ni: Henzberg Austria (Senate PRIB)

Ipinahayag ni Senate Presidente Vicente Sotto III na “inamin” din ni Health Secretary Francisco Duque III na “guilty” ito nang tumanggi ang kalihim na sangkot siya sa mga kontrobersiyang bumabalot sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Noong Setyembre 3, kinuwestyon ni Sotto ang depensa ni Duque na hindi umano ito kabahagi sa mga pag-uusap sa ahensya tungkol sa implementasyon ng maanomalyang interim reimbursement mechanism, isang prepayment scheme na nagbibigay ng assistance sa mga ospital na apektado ng “fortuitous” events tulad ng Covid-19 pandemic.

So for many months, releases of ₱14.8 billion and the Chairman of the Board is not aware? If you say that, then you are practically admitting guilt to Article 217 of the Revised Penal Code because you are negligent (Sa dinami-raming buwan, paglalabas ng P14.8 bilyon, at ikaw ang board chairman, hindi mo alam? Kung sabihin mo yan, inaamin mo ring guilty ka sa ilalim ng Article 217 ng Revised Penal Code dahil sa kapabayaan mo),” giit ni Sotto tungkol kay Duque.

Dagdag pa ng senador, “And that falls under the category of malversation especially with that kind of amount we’re discussing (Pasok ito sa malversation lalo na sa ganyang halagang ating pinag-uusapan).”

Naunang ipinagtanggol ni Duque ang kanyang sarili at sinabing masyado siyang naging busy sa iba pa niyang mga tungkulin sa pagtugon sa Covid-19 krisis kaya’t hindi napangasiwaan ang kalakaran sa PhilHealth.

Itinanggi rin ng kalihim na signatory siya sa isang board resolution na nagpahintulot sa advance payments para sa mga ospital kaugnay sa pandemic response.

Gayunpaman, iginiit pa rin ni Sotto na may papel pa rin si Duque sa pag-supervise sa mga aktibidad ng PhilHealth dahil isa itong attached agency ng Department of Health (DOH).

Unang kinuwestyon ng mga mambabatas ang pagppatupad ng IRM, kung saan ipinamahagi sa 279 na pasilidad ang pondo nito bago pa man makumpleto ang requirements. Bagama’t nakumpleto ito noong Hunyo 11, nakapaglabas na ng mahigit P14 bilyon ang ahensya simula Marso 25, ayon kay Sotto.

“It is the people’s money. Hirap na hirap sila, di sila makapag-ospital inaasahan lang nila Philhealth. Pagkatapos malalaman nila na bilyon-bilyon sa pera ng Philhealth ay gagamitin sa ganoon? It’s unforgivable,” diin ni Sotto.

Inirekomenda rin ng Senate panel ang pagsasampa ng mga kasong kriminal at administratibo laban kay Duque, resigned PhilHealth President Ricardo Morales, at iba pang mga sangkot na opisyal.

LATEST

LATEST

TRENDING