‘Mayroon po talagang sindikato’: dating opsiyal ng PhilHealth

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Fernando G. Sepe Jr. (ABS-CBN News)

Hindi bababa sa 40 na mga indibidwal mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang sangkot sa pagbubulsa ng premiums na galing aniya sa migrant workers, ayon sa dating opisyal noong Setyembre 2, habang idenetalye kung paano ang operasyon ng “sindikato” sa loob ng ahensya.

Ayon kay Ken Sarmiento, dating senior auditing specialist ng PhilHealth, ang mga nabanggit na kontribusyon na binayaran ng mahigit 7,000 na overseas Filipino workers (OFWs) ay naibulsa umano ng mga opisyal ng PhilHealth.

Aniya, “We learned that 7,257 OFWs hindi napaghulugan ng premiums… Hindi po natanggap ng PhilHealth ‘yung premiums nila.”

Ibinunyag ng dating auditor na nakapagtuklas siya ng dalawang modus na pinapatakbo ng 40 na empleyado sa ahensya.

“Napansin po namin dalawang modus: retail fraud na isa isang binibigyan ng resibo ang OFW, at isa pang level ay wholesale na may involvement na ang hiring agency,” ani Sarmiento.

Dagdag pa nito,”Mayroon po talagang sindikato.”

Ayon kay Sarmiento, ang mga pekeng control numbers ng resibo ay kinuha mula iba’t-ibang bahagi ng bansa sa ilalim ng tinatawag na “sharing scheme.”

“Mayroon pong nagre-recruit sa kanila para i-distribute ‘yung fake receipts sa OFWs at ‘yung hatiaan, out of the P2,400, P900 ‘yung mapupunta sa marketer na gumagawa ng fake receipts. ‘Yung liaison officer, they receive P1,500. We know who they are and we know more or less ‘yung structure nila,” wika ni Sarmiento.

Nang isiwalat umano ni Sarmiento at ng kanyang boss ang maanomalyang sistemang ito sa management, sinibak umano sila sa kanilang mga puwesto.

“After 3 to 4 years po of fact-finding, walang report sa Ad Hoc Committee, walang napakulong o na-apprehend, walang action sa 16 affidavit complaints. Ang nagawa lang nilang akysyon ay na-persecute ‘yung dalawa. Natanggal po ako at ang boss ko sa aming posisyon,” giit ni Sarmiento.

Subalit, nilinaw naman ni PhilHealth senior vice president Dennis Mas na reassignment lamang ang naganap.

Aniya, “As regards sa personal action sa kanya, reassignment po ang tawag dun.”

Ipinag-utos naman ni Marikina Rep. Stella Quimbo ang pagsusumite ng paliwanag tungkol sa posibleng katiwalian ng PhilHealth sa mga kontribusyon ng OFWs.

Noong Pebrero, naghain sina Sarmiento at Presidential Spokesman Harry Roque ng reklamo laban sa mga opisyal ng PhilHealth na sangkot sa nasabing modus sa Office of the Ombudsman.

Inakusahan nila ang ilang mga opisyal ng non-remittance ng aabot sa P50 hanggang 100 milyong kontribusyon mula sa OFWs.

Inirekomenda naman ng Senate Committee of the Whole noong Setyembre 1 ang pagsasampa ng kasong kriminal laban kay Health Secretary Francisco Duque III at iba pang mga opisyal ng PhilHealth.

Itinalaga naman kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong pinuno ng PhilHealth si dating National Bureau of Investigation director Dante Gierran, na umaming “natatakot” ito dahil “walang alam tungkol sa public health.”

LATEST

LATEST

TRENDING