Duterte, nagbigay ng marching orders sa bagong PNP chief

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
PNP chief Police Lt. Gen. Camilo Cascolan

Nagbigay si Pangulong Rodrigo Duterte ng dalawang marching orders sa bagong Philippine National Police (PNP) chief: linisin at gawing propesyonal ang hanay ng kapulisan.

Nagpahayag ng kumpiyansa ang Malacañang noong Setyembre 2 na aalisin ni bagong PNP chief Police Lt. Gen. Camilo Cascolan ang mga scalawags sa PNP sa loob ng dalawang buwan sa panunungkulan.

Aniya, “Hayaan natin siyang (Cascolan) bigyan ng pagkakataon na linisin ang hanay ng PNP, i-professionalize ang hanay ng PNP at isulong pa rin siyempe ‘yung napakimportanteng war on drugs maski kakaunti lang po ang panahong mayroon siya bilang PNP chief,” Presidential Spokesperson Harry Roque said.

Si Cascolan, na nakatakdang magretiro sa Nobyembre ang napiling papalit kay Police Gen. Archie Gamboa na nagretiro noong Setyembre 2.

Ayon sa bagong police chief, nais niyang gamitin ang kanyang maikling panunungkulan bilang pinuno ng PNP upang habuling ang mga high-value drug suspects.

“Atin pa rin pong paiigtingin ang anti-drug campaign natin. Atin pong titingnan na ang high-value individuals ay sila ang dapat maaaresto. Ang case build up ay hindi lang dapat sa maliliit,” ani Cascolan.

Si Cascolan ay miyembro ng Philippine Military Academy “Sinagtala” Class of 1986. Kabilang sa mga “mistah” ni Cascolan ay ang mga dating police chiefs na sina Gamboa, Oscar Albayalde at Sen. Ronald Dela Rosa.

Hindi na bago kay Cascolan ang kampanya kontra iligal na droga dahil isa ito sa mga awtor ng Oplan Double Barrel, na naging flagship program ng PNP sa laban kontra iligal na droga.

Sa ilalim ng programang ito ay ang kontrobersyal na “Oplan Tokhang” kung saan kumakatok ang mga pulis sa mga tahanan upang maghanap ng mga drug suspects.

Iniuugnay din ito sa libu-libong mga pagpatay kung saan dinidipensahan naman ito ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagsabing nanlaban sa mga awtoridad ang mga napatay na suspek.

LATEST

LATEST