Komite ng Kamara, kumikiling na bigyan ng emergency powers si PRRD

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Isang joint committee ng Kamara ang nagpapanukala na bigyan ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte para ireporma ang Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth) dahil sa mga iregularidad.

Ayon kay House Committee on Public Accounts chair Mike Defensor ng Anakalusugan Partylist, ang komite ay “kumikiling” na bigyan si Duterte ng emergency powers, matapos ang mga kontrobersiya na bumabalot sa state health insurer.

The committee is inclined and we are already discussing the emergency powers to be granted to the President (Kumikiling ang komite at pinag-uusapan na namin ang pagbibigay ng emergency powers sa pangulo),” ani Defensor noong Setyembre 2 sa joint hearing ng Committee on Good Government and Public Accountability.

Sumang-ayon naman si Health Secretary Francisco Duque III sa mungkahi.

“Opo, maganda ang inyong panukala na bigyan ng karagdagang kapangyarihan si Pangulong Duterte para mas mabilis ang reporma na isailalim ang PhilHealth,” ani Duque.

Sinuportahan din ito ni Justice Undersecretary Adrian Sugay, na dumalo rin sa nasabing hearing.

Wala pa namang karagdagang detalyeng ibinibigay tungkol sa nasabing proposal.

Kamakailan ay itinalaga ng pangulo si dating National Bureau of Investigation director Dante Gierran para palitan si PhilHealth president at CEO Ricardo Morales, na bumaba sa puwesto dahil sa iniindang karamdaman.

Agad namang ipinag-utos ni Duterte kay Gierran na agarang magpatupad ng reshuffling sa ahensya.

LATEST

LATEST

TRENDING