Gapay: AFP, hindi papahintulutan ang personnel nito na suportahan ang RevGov

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Lt. Gen. Gilbert Gapay

Ipinahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi nito susuportahan ang kahit anumang panawagan para sa pagtatatag ng revolutionary government, ayon sa chief of staff ng AFP noong Setyembre 2.

The Armed Forces of the Philippines does not support this movement in calling for a revolutionary government, precisely because of the reason that it is unconstitutional and we find it politically motivated (Hindi sinusuportahan ng AFP ang hakbang na ito para ipanawagan ang isang revolutionary government, dahil ito ay labag sa Saligang Batas ay may motibasyong pulitikal),” ani Lt. Gen. Gilbert Gapay sa Committee on National Defense ng CA.

Ayon kay Gapay, bagama’t may karapatan ang bawat military personnel sa kanilang indibidwal na opinyon, ang pagsuporta sa isang revolutionary government ay “magdudulot lamang ng kasamaan sa puntong ito ng bansa.”

Aniya, “Our actions are being guided by our sworn duty to uphold and protect our Constitution and serve our people (Ang ating mga ginagawa ay ginagabayan ng ating tungkulin na protektahan ang Konstitusyon at paglingkuran ang taumbayan).”

Noong nakaraang linggo, naglunsad ng event ang grupong Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee para magpahayag ng suporta para sa pagtatayo ng isang pamahalaang rebolusyonaryo na pangungunahan ni Duterte.

Bagama’t unang dumistansya ang pangulo mula sa isyu, sinabi naman nito noong Agosto 31 na gusto niyang magpatupad ng pampublikong talakayan para sa nasabing panukala. Dapat din umanong isama sa diskusyon ang militar.

LATEST

LATEST