Duterte, tiniyak na bibigyan ng pagkain at matitirhan ang mga medical frontliners

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na bibigyan ng pamahalaan ang mga frontliners ng matitirhan at pagkain bilang pagtugon sa diskriminasyon laban sa kanila.

Ikinuwento rin ng pangulo na ilan sa mga health workers ay pinapalayas umano mula sa kanilang mga inuupahang tirahan dahil sa takot ng tenants na baka mahawa sila ng Covid-19.

Binigyang diin ni Duterte na dapat ilagay ang mga displaced frontliners sa mga bahay, hotels, at motels.

If this happens, you can call directly the office of Secretary (Carlito) Galvez and we will provide you with the necessary billeting and food too. We will choose a place nearest to where you are working (Kung mangyari ito, tawagan ninyo ang opisina ni Secretary Galvez at bibigyan namin kayo ng pagkain at tirahan. Hahanap kami ng lugar na malapit sa inyong pinagtatrabahuhan),” paliwanag ni Duterte.

Idinagdag din ng pangulo na tatawagin niya ang pansin ng mga tenants sa publiko kung malaman niyang magpapalayas ito ng mga medical frontliners.

If they get sick, they should not be accepted in hospitals (Kung magkasakit sila, hindi dapat sila tanggapin sa mga ospital),” pabirong tugon ni Duterte.

Noong Hunyo, inaprubahan ng Kamara sa ikatlong pagbasa ang House Bill No. 6817 o ang Covid-19 Related Anti-Discrimination Bill na layong patawan ng kaparusahan ang mga discriminatory na aktibidad laban sa mga confirmed, suspect, probable at recovered Covid-19 patients, repatriated land-based o sea-based ng mga Pilipino, healthcare workers, responders, service workers, at mga kapamilya at kasambahay ng mga taong nabanggit.

Ang Senate version naman ng HB 6817 ay kasalukuyang pending sa committee level, kung saan kinakailangan din itong maipasa sa ikatlong pagbasa.

Kailangang aprubahan ng parehong Kamara at Senado ang naturang bill bago ito maaaring pirmahan ng pangulo.

LATEST

LATEST

TRENDING