Duterte: Panukala ng RevGov, dapat talakayin sa publiko

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Agosto 31 na nais niyang magkaroon ng talakayan sa publiko sa ipinapanukalang pagtatatag ng revolutionary government sa bansa.

Ipinahayag ito ng pangulo kasabay ng pagbibigay utos sa bagong Philippine Health Insurance Corporation President at Chief Executive Officer na si Dante Gierran upang wakasan ang kurapsyon sa state health insurance agency.

As I said, the revolutionary government should not be discussed in sub rosa (in secrecy). It should be discussed publicly (Tulad ng aking nabanggit, hindi dapat pag-usapan ang pamahalaang rebolusyonaryo nang pasikreto. Dapat sa publiko),” ani Duterte.

Ayon sa pangulo, dapat kasama rin aniya sa diskusyon ang militar.

Noong Agosto 25, itinanggi ng pangulo na may kaugnayan siya sa grupong Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee, na nagsusulong sa pagtatayo ng revolutionary government.

Ayon sa grupo, tanging revolutionary government lamang ang lunas para sa “lahat ng sakit sa lipunan” nang hindi inaamyendahan ang1987 Constitution.

Tinawag naman ni Pangawalang Pangulo Leni Robredo na “iligal” at “walang saysay” ang panukala at hindi dapat pagtuunan ng pansin ngayong panahon ng Covid-19 pandemic.

Siniguro naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na bababa sa puwesto si Duterte sa pagtatapos ng termino nito sa 2022.

Noong 2017, nagbantang magdedeklara ng revolutionary government ang pangulo para resolbahin ang mga suliranin ng bansa.

Nangampanya rin ito para sa pagkakaroon ng pamahalaang pederal na layong mapaunlad ang mga lalaawigan, bagama’t hindi naglatag ng konkretong plano kung paano ito isasakatuparan.

LATEST

LATEST

TRENDING