DBM, ipaliliwanag ang ‘double appropriations’ sa 2021 badyet

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
DBM Secretary Wendel Avisado

Sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) noong Setyembre 1 na ipaliliwanag nito ang mga detalye sa ilang items na kabilang sa proposed 2021 budget na kasama na sa budget ngayong taon.

Ayon kay Budget Secretary Wendel Avisado, ang mga proyektong may bagong pondo para sa 2021 ay big-ticket infrastructure projects sa ilalim ng multi-year contractual arrangement ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Aniya, “Kailangan nga po talagang matapos at hindi naman mabibigay lahat ng budget for this year, kaya nga po hiniling ng DPWH na ipagpatuloy hanggang next year kaya po naulit iyong project na iyan as recommended by DPWH.”

“Ang detalye po nito, ipapaliwanag po namin during the course of the budget hearing doon sa House of Representatives at saka sa Senate,” dagdag pa ng kalihim.

Noong Agosto 31, sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na kukuwestyunin niya ang ilang items na nasa 2021 budget na kabilang na sa budget ngayong taon.

Bagama’t hindi nagsabi kung magkano, iginiit ng senador na ilang infrastructure projects na nakalagay sa panukalang budget ay kasama na sa 2020 budget.

“It’s a big issue to me kasi baka double appropriation,” giit ni Lacson.

Sa ilalim ng panukalang P4.5 trilyong budget para sa 2021, ang “Build, Build, Build” infrastructure program ni Pangulong Rodrigo Duterte ay makatatanggap ng P1.107 trilyong alokasyon alinsunod sa nais ng pamahalaan na makapaglikha ng mahigit 200,000 na mga trabaho dahil milyun-milyon ang nawalan ng hanapbuhay bunsod ng Covid-19 pandemic.

LATEST

LATEST

TRENDING