Cayetano, hinikayat ang publiko na lumahok sa 2021 budget hearing

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
House Speaker Alan Peter Cayetano

Sa patuloy na pagiging popular ng online platforms ngayong panahon ng Covid-19 pandemic, hinikayat ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang publiko na direktang lumahok sa 2021 budget deliberation process.

Since the start of this pandemic, Congress has taken advantage of these new technologies to continue doing our work (Simula noong pananalasa ng pandmiya, ginamit ng Kongreso ang mga makabagong teknolohiyang ito para maipagpatuloy ang aming trabaho),” pahayag ni Cayetano.

Dagdag pa ng House Speaker, “Now, as we deliberate on the budget, we can use these same systems to allow our fellow citizens – not just to watch, but to directly participate in the process (Ngayong budget deliberation, maaari nating magamit ang mga sistemang ito para mapahintulutan ang mga mamamayan na makalahok sa proseso).”

Ang parehong kapulungan ng Kongreso ay nagtungo rin sa birtuwal na pamamaraan sa pagsasagawa nito ng mga sesyon at pagdinig alinsunod sa hakbang ng pamahalaan para sugpuin ang Covid-19.

Ito ay inobserbahan noong ilahad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang ikalimang State of the Nation Address, kung saan limitadong bilang lamang ng mga panauhin ang pisikal na nakadalo.

Ang mga ordinaryong mamamayan, ay maaaring lumahok sa budget hearings sa pamamagitan ng social media o online platforms, ayon kay Cayetano, habang iginiit na kinakailangan ng Kongreso ang mga ideya ng publiko katulad ng pagpasa nito ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.

Muling magpupulong ang mga lider ng Kamara ngayong linggo para talakayin ang mechanics at protocols para sa bagong ipapatupad na sistema.

“This is going to be the first time that this will be done, so there might be some growing pains. But we want to make sure that it is as inclusive and comprehensive as possible. Dapat po lahat ng gustong magsalita ay mabibigyan ng pagkakataon na marinig ang boses,” ani Cayetano.

Nakatakdang isagawa ng Kamara ang unang set ng budget hearings sa Setyembre 4.

LATEST

LATEST

TRENDING