Gyms, personal grooming centers, balik-operasyon sa Setyembre 1: DTI secretary

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: ABS-CBN News

Pinapahintulutan nang magbalik-operasyon ang mga gyms at personal grooming centers sa Martes, Setyembre 1, ayon sa kalihim ng Department of Trade and Industry (DTI) noong Agosto 31 kasabay nang pag-iral ng mga panibagong quarantine classifications.

Maaari na ring magbukas ang review, testing, at tutorial centers sa Metro Manila, dagdag pa ni DTI Secretary Ramon Lopez.

Aniya, “Iyong sektor gaya ng personal grooming, testing, tutorials, review centers, ‘yung mga gyms iyon po ay itutuloy na sa pagbubukas starting tomorrow.”

Unang ipinagbawal ng pamahalaan ang operasyon ng mag naturang establisyemento matapos magtransisyon ang Kalakhang Maynila sa general community quarantine mula sa dalawang linggong modified enhanced community quarantine noong Agosto 18.

Ang mga lugar na nananatiling nasa GCQ hanggang Agosto 31 ay ang Bulacan, Nueva Ecija, Metro Manila, Southern Tagalog Region (Calabarzon), Iloilo City, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Talisay City, Minglanilla, Cebu, at Consolacion, Cebu.

Ang natitirang bahagi naman ng bansa ay nasa modified general community quarantine.

LATEST

LATEST