Duterte, hinikayat na igiit ang kapasyahan tungkol sa South China Sea sa UN

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
dating Ombudsman Conchita Carpio Morales, retired Supreme Court senior associate justice Antonio Carpio, at dating Foreign Secretary Albert del Rosario
Kuha ni: Jire Carreon (Rappler)

Dalawang retired Supreme Court justices at isang dating foreign secretary ang nananawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na igiit ang 2016 arbitral tribunal ruling na pumabor sa Pilipinas sa kasong inihain laban sa China na may kaugnayan sa West Philippine Sea.

Sa isang pahayag nitong weekend, hinikayat nina retired Supreme Court senior associate justice Antonio Carpio, retired associate justice Conchita Carpio Morales (na nagsilbi rin bilang Ombudsman), at dating foreign secretary Albert del Rosario si Duterte na igiit ang kapasyahan sa the Hague sa gaganapin na United Nations General Assembly sa Setyembre 15.

Ayon sa trio, dapat aniyang gamitin ni Duterte ang nalalabing bahagi ng kanyang termino upang kunin ang suporta ng 193 UN member nations tungkol sa desisyon ng Permanent Court of Arbitration-backed tribunal na kinilala ang mga karapatan ng Pilipinas sa 200-nautical-mile exclusive economic zone at ibinasura ang pag-angkin ng China sa mga teritoryo sa South China Sea.

President Duterte must raise the Arbitral Ruling at the UNGA this September as he will have just one more opportunity to gain the support of more countries next year in the same forum (Dapat igiit ni Pangulong Duterte ang Arbitral Ruling sa UNGA sa Setyembre dahil may isa na lamang siyang oportunidad para makuha ang suporta ng mas maraming bansa sa susunod na taon sa parehong forum),” ayon sa pahayag ng trio.

Hindi dapat sayangin umano ng mga Pilipino ang pagkakataon para mapakinggan dahil nawalan na tayo ng mga oportunidad nang isantabi ang kapasyahan noong 2016.

Ang mga bansang Vietnam, Malaysia, Indonesia, Brunei, at Taiwan ay may mga kanya-kanyang claims din sa South China Sea, subalit iginiit nila ang kanilang mga karapatan hinggil dito.

Hindi naman sinang-ayunan nina Morales, Carpio, at Del Rosario ang naunang pahayag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na kinakailangang mag-“re-litigate” tungkol sa kaso ng Pilipinas.

Bringing the Arbitral Ruling to the UNGA is not re-litigating the case. It is enforcing that we already won (Ang pagdala ng Arbitral Ruling sa UNGA ay hindi re-litigating kundi pagpapatupad lamang sa kung ano na ang ating napanalunan),” wika ng tatlo sabay diin na walang “world policeman” sa international law.

The Philippines has the strongest position among all nations to bring the South China Sea issue to the fore (Ang Pilipinas ang pinakamalakas na posisyon sa lahat ng mga bansa sa pagdala ng South China Sea isyu sa usapin),” dagdag pa.

Muling inulit ni Locsin ang kanyang tindig at iginiit na posibleng mabuksan lamang ang kaso na maaaring maiba ang interpretasyon sa UNGA kung ito ay pag-uusapan pa.

Subalit, sinabi rin ng kalihim na irerekomenda niya ang pagputol sa mga government contracts sa Chinese firms na sangkot sa pagtatayo ng artificial island sa pinag-aagawang teritoryo.

Bagama’t malinaw ang kapasyahan sa the Hague, patuloy pa rin ang island-building activities ng China sa mga lugar na pasok sa exclusive economic zone ng Pilipinas.

LATEST

LATEST

TRENDING