Duterte, hindi alam kung paano reresolbahin ang terorismo sa nalalabing 2 taon sa puwesto

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Sa nalalabing dalawang taon sa puwesto, ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Agosto 31 na hindi siya sigurado kung paano lulutasin ang problema ng terorismo sa bansa matapos ang naganap na dalawang pagsabog sa Jolo, Sulu noong nakaraang linggo na ikinasawi ng 15 katao.

Aniya, “May dalawang taon pa ako, ewan ko kung ano ang magawa ko talaga. But you know when you go into a [fight], may galit na ‘yan. Mahirap ito aregluhin kasi lahat may sugat na sa puso. And it would take more than a generation to do this.”

“I hope that anyone of my children would become a politician maski barangay captain lang that he’d be able also to do something about this problem of the Moro and the Christians,” dagdag pa ng pangulo.

Hinikayat ni Duterte ang mga sundalo sa Jolo na “pag-isipan ang kapayapaan” habang nakikipaglaban laban sa mga kaaway ng estado.

“Sa pagka ngayon, hindi ko mapigil ang mga sundalo ko kasi may mission sila and the mission is to crush the insurgents. And the insurgents, ang mission nila is for the greater glory of Allah,” ani Duterte.

Dagdag pa ng pangulo, “Now more than ever our nation needs our Armed Forces to ensure that these terrorists will never succeed in their pointless goals (Ngayon mas kinakailangan ng bansa ang Armed Forces para matiyak na hindi magtatagumpay ang mga terorista).”

Sa kanyang pagbisita sa Jolo, nakiramay ang pangulo sa pamilya ng mga nasawi.

Ang nasabing dalawang pagsabog sa Jolo ay nagresulta sa pagkamatay ng 15 katao habang ilan naman ang sugatan.

Tinukoy naman ng militar ang dalawang suspek na isang Indonesian na asawa ng nasawing Pilipinong suicide bomber noong 2019 at isang asawa naman ng Abu Sayyaf leader.

Sa lugar na pinangyarihan ng trahedya, hinalikan ni Duterte ang lupa bilang pagbibigay pugay sa mga namatay na sundalo at iba pang mga biktima. Nag-alay din ito ng bulaklak at kandila.

LATEST

LATEST

TRENDING