Dating NBI director, itinalaga bilang bagong pinuno ng PhilHealth

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
dating NBI Director Dante Gierran

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Agosto31 si dating National Bureau of Investigation Director Dante Gierran bilang panibagong pinuno ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). 

Si Gierran ang papalit sa nagbitiw na PhilHealth President at CEO na si Ricardo Morales, na inabisuhan ng pangulo na bumaba sa puwesto dahil  sa iniindang sakit.

Si Gierran, na isang a certified public accountant-lawyer, ay unang nagsilbi bilang NBI Director nang italaga ni Duterte noong 2016. Ang 65-anyos na opisyal ay bumaba sa puwesto noong Pebrero nang tumungtong sa mandatory retirement. Bago maging direktor ng NBI, naging NBI regional director din ito para sa Davao Region.

Sa ilalim ng Section 14 ng Republic Act 11223 o Universal Health Care, ayon sa rekomendasyon ng Board, dapat magtalaga ang pangulo ng Filipino citizen na may hindi bababa na pitong taong experience sa larangan ng public health, management, finance, at health economics o kumbinasyon ng kahit ano sa mga nabanggit.

Ang bagong pinuno ng PhilHealth ay sasalo sa napakahirap na tungkulin ng paglinis sa ahensya, na naging sentro ng alegasyon ng kurapsyon, kabilang ang overpayments sa mga ospital at procurement ng overpriced new equipment.

Ayon kay Gierran, hindi siya nag-apply para sa posisyon subalit tinatanggap niya ang tungkuling ito.

I did not apply for the position because I know it’s a very tough job (Hindi ako nag-apply kasi alam kong mahirap ang trabaho),” ani Gierran.

Dagdag pa niya, “I’m one who will not back out from a mission. I know it’s a huge mission (Hindi ako sumusuko sa kahit anumang misyon. Malaki itong misyon).”

Tiniyak din nitong hindi niya uulitin ang mga nagdaang kamalian ng dating administrasyon ng PhilHealth.

LATEST

LATEST

TRENDING