CSC, maglulunsad ng online job fair ngayong Setyembre

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Maglulunsad ang Civil Service Commission (CSC) ng five-day online job fair ngayong buwan kasabay ng paggunita sa 120th Philippine Civil Service Anniversary, ayon kay Commissioner Aileen Lizada noong Agosto 31.

Ang online career fair, na may partnership sa JobStreet, ay idaraos mula Setyembre 14-18, 2020.

“Good news po sa mga naghahanap ng trabaho. We have more or less 729 job vacancies involving 76 government agencies,” ani Lizada.

Posibleng mas marami pang oportunidad ang magbukas dahil sa pag-extend ng CSC sa deadline ng mga ahensya para makapagrehistro ng job vacancies hanggang Setyembre 10.

Ang mga intereasdong aplikante ay maaring bumisita sa CSC website para sa guidelines kung paano mag-apply.

Ayon sa isang SWS survey, pumalo sa 45.5% ang estado ng adult joblessness sa bansa noong Hulyo habang nasa kalagitnaan ng Covid-19 pandemic.

Kabilang din sa paggunita ng Civil Service Month ang isang virtual press conference, fora, online photography contest, atbp., dagdag pa ni Lizada.

LATEST

LATEST

TRENDING