Covid-19 task force, nais ang buwanang pagre-review ng quarantine status

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Toto Lozano (Presidential Photo)

Iminungkahi ng Covid-19 task force kay Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ang haba ng community quarantine status mula dalawang linggo patungo sa isang buwan, ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez noong Agosto 31.

Aniya, “Ang pinakabenefit nito, of course, mas may stability sa ating pagkilos, sa reopening of economy. Hindi po pabago-bago, may kaunting stability.”

Kadalasang inaanunsyo ni Duterte ang quarantine status ng mga piling lugar, at isinasailalim ang mga ito sa nag-iiba-ibang antas ng lockdown restrictions sa loob ng 14 na araw. Ang dalawang linggong haba ng quarantine status ay nagbibigay ng opsyon sa pamahalaan na i-adjust ang mga hakbang nang naaayon sa pabago-bagong case doubling time at critical care capacity para sa Covid-19 patients.

Ayon kay Lopez, ito ang nararapat na tahaking direksyon kung magtutungo ang pamahalaan sa “new normal” o walang community quarantine bagama’t may striktong obserbasyon ng minimum health standards, tulad ng pagsusuot ng face masks at pagpapanatili ng physical distancing.

Nakatakdang mag-aanunsyo si Duterte sa Agosto 31 ng post-August 31 quarantine status.

Ang Pilipinas ay isinailalim sa iba’t-ibang uri ng community quarantine 170 araw na ang nakalilipas, kung saan itinuturing itong pinakamahabang lockdown sa buong mundo.

LATEST

LATEST

TRENDING