Bagong quarantine protocols, itatakda ni PRRD sa Agosto 31

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte
Larawan mula sa: PCOO

Nakatakdang mag-anunsyo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Agosto 31 tungkol sa updated quarantine classifications ng Metro Manila at iba pang mga lugar.

Makikipagpulong din ang pangulo kasama ang pandemic task force sa Malago Clubhouse sa Malacañang park upang talakayin ang mga panibagong klasipikasyon ng quarantine.

Ayon kay Carlito Galvez, Jr., chief implementer ng Covid-19 task force, ang pagpapasailalim ng mga rehiyon sa lockdown ay makasasama para sa ekonomiya at iginiit na ang pagpapatupad ng quarantine protocols sa local level ang nararapat na hakbang.

Ito ay sinang-ayunan din ni Health Secretary Francisco Duque III.

Pumalo na sa mahigit 217,000 ang bilang ng Covid-19 cases sa bansa, ang pinakamataas sa Southeast Asia. Nagdulot din ang pandemiya ng resesyon sa bansa kung saan lumiit ang ekonomiya nito nang 16.5 percent sa ikalawang quarter.

Naniniwala naman si Pangalawang Pangulo Leni Robredo na dapat manatili ang Metro Manila at mga karatig-lugar sa general community quarantine sa susunod na dalawang linggo dahil sa pananatili ng mataas na bilang ng Covid-19 cases.

Ayon kay Robredo, dapat taasan ng pamahalaan ang Covid-19 tests nito bawat araw at paigtingin ang contact tracing para tuluyang matugunan ang paglaganap ng nakamamatay na sakit.

LATEST

LATEST