Año: Bagong PNP chief, iaanunsyo ngayong linggo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Interior and Local Government Secretary Eduardo Año

Iaanunsyo ngayong linggo ang bagong pinuno ng Philippine National Police (PNP) bago ganapin ang retirement ni PNP chief Gen. Archie Gamboa,  ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año noong Agosto 30.

There’s no information on who will be replacing Gamboa. But maybe it will be announced tomorrow (Monday) or Tuesday (Wala pang impormasyon kung sino ang papalit kay Gamboa. Subalit baka inanunsyo ito bukas o sa Martes),” ani Año.

Ayon naman kay PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac, nakahanda na ang retirement honors at change of command ceremony para kay Gamboa.

Nakatakdang magretiro si Gamboa mula sa serbisyo pagtuntong nito ng 56 sa Setyembre 2.

Posible naman umanong manatili si Gamboa sa puwesto, dagdag pa ni Banac, sabay binanggit na ganito rin ang nangyari kay PNP chief na ngayo’y si Senador Ronald dela Rosa kung saan pinalawig pa ng tatlong buwan ang kanyang termino alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Iginiit naman ni Año na nag-endorso siya ng tatlong opisyal ng PNP para pumalit kay Gamboa bagama’t hindi ito pinangalanan.

Si Gamboa ay itinalaga bilang officer-in-charge ng PNP noong Oktubre 2019 matapos magbitiw sa puwesto si dating PNP chief Gen. Oscar Albayalde dahil sa pagkakasangkot nito umano sa iligal na droga.

Tuluyang naging pinuno si Gamboa noong Enero o walong buwan bago tumuntong sa mandatory retirement age sa police service.

LATEST

LATEST

TRENDING