San Juan mayor, nais panatilihin ang GCQ sa Metro Manila

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
San Juan City Mayor Francis Zamora
Larawan mula sa: Tribune

Muling pagdedesisyunan ang panibagong quarantine protocols na iiral sa Metro Manila pagkatapos ang Agosto 31, subalit iginiit ng isang alkalde na dapat manatili sa general community quarantine ang Kamaynilaan.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, hindi dapat paluwagin ang quarantine protocols sa rehiyon upang epektibong matugunan ang paglaganap ng Covid-19.

“Naniniwala ako na dapat tayo ay manatili sa GCQ… Tayo’y kakalipat lamang mula MECQ (modified enhanced community quarantine), at maiksi pa lang ang panahon mula tayo’y nag-GCQ,” ani Zamora.

Dagdag pa niya, “Nakita rin nga natin na merong magandang epekto ang MECQ sa atin na ayaw naman nating masayang ngayong panahon ng GCQ.”

Nilinaw naman ni Zamora na hindi siya nagsasalita para sa iba pang kapwa alklade, dahil may iba-iba ring opinyon ang mga ito.

Pumalo na sa mahigit 213,000 ang bilang ng Covid-19 cases sa bansa batay sa datos noong Agosto 29.

Inaasahan namang mag-aanunsyo ng panibagong quarantine protocols si Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, Agosto 31.

LATEST

LATEST

TRENDING