Robredo, dismayado sa pag-iwas umano ng pamahalaan sa kritisismo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangalawang Pangulo Leni Robredo
Kuha ni: Mark Balmores

Muling pinuna ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo ang pamahalaan dahil hindi aniya nito pinapakinggan ang kanyang mga inihaing rekomendasyon at sa halip ay palaging sinasabi na sapat ang ginagawa ng administrasyon para sa Covid-19 response.

Aniya, “Alam mo yung pamahalaan parang kuntento na sa ginagawa, iyon iyong mas nakakapag-alala. Galit sila pag sinabihang kulang yung response.” 

“Hindi tayo nag-iimprove, pakiramdam natin napakahusay na natin,”dagdag pa ni Robredo.

Tinanggihan rin ni Robredo ang mga paratang ni Pangulong Rodrigo Duterte na “namumulitika” siya at “pinapalaki ang apoy” hinggil sa mga hakbang kontra Covid-19.

Ayon kay Robredo, “Wala itong pulitika. Kasi kung pulitika ang sadya natin, noon pa. Hindi natin sila binigyan ng pagkakataong gawin yung dapat nilang gawin.”

Ipinahayag na noon ng pangalawang pangulo ang isyu tungkol sa kahandaan ng pamahalaan at kawalan ng kumpiyansa sa pagtugon sa krisis pangkalusugan na nagresulta sa pagkawala ng trabaho ng milyun-milyong Pilipino.

Noong Agosto 29, pumalo na sa 213,131 ang bilang ng Covid-19 cases sa bansa, kung saan 74,611 ang aktibong mga kaso. Sa kabuuang bilang na nabanggit, 135,101 na ang gumaling habang 3,419 naman ang nasawi.

LATEST

LATEST

TRENDING