Pamamaril sa 4 na sundalo sa Jolo noong Hunyo, ikinaantala ng operasyon laban sa suicide bombers

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
AFP chief-of-staff Lt. Gen. Gilbert Gapay

Ang pagkasawi sa apat na military intelligence operatives sa kamay ng Jolo police officers noong Hunyo 29 ay nagresulta sa pagkaantala ng isinasagawang operasyon laban sa dalawang suicide bombers na sangkot sa naganap n dalawang pagsabog sa Jolo noong Agosto 24, ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) chief-of-staff Lt. Gen. Gilbert Gapay noong Agosto 28.

Aside from missing the opportunity of capturing these two suicide bombers, it has caused disruption in our intelligence operations in the area, so this disruption in our intelligence coverage for these suicide bombers and activities of Abu Sayyaf in Jolo and in other parts of Sulu somehow led to this incident (Bukod sa nawalang oportunidad sa paghuli sa dalawang suicide bombers, naabala rin nito ang aming intelligence operations sa lugar, kaya naman ang pagkaantala sa intelligence coverage para sa suicide bombers na ito at ang mga aktibidad ng Abu Sayyaf sa Jolo at iba pang bahagi ng Sulu ay nauwi sa insidente),” giit ni Gapay.

Humihiling si Gapay na agarang sampahan ng kaso ang mga pulis na sangkot sa pamamaril sa intelligence operatives ng AFP para “matiyak ang mabilis na pagkamit ng hustisya para maiwasan na ang espekulasyon tungkol sa motibo ng insidente.”

Unang tinukoy ni Philippine Army (PA) commander Lt. Gen. Cirilito Sobejana ang dalawang suicide bombers na si alyas “Nanah”, isang residente ng Basilan, at isang “Inda Nay”, isang residente ng Sulu na kinalauna’y lumipat sa Tawi-Tawi.

Ayon kay Sobejana, si “Nanah” ay asawa ng pinakaunang kumpirmadong Pilipinong suicide bomber na si Norman Lasuca, na nagsagawa ng pag-atake sa 1st Brigade Combat Team sa Sulu noong Hunyo 28, 2019, kung saan pitong katao ang namatay habang 12 naman ang sugatan.

Samantala, si “Inda Nay” naman ang asawa ng naiulat na nasawing Islamic State conduit na si Abu Talha, matapos maka-engkwentro ang 1st Scout Ranger Battalion noong Nobyembre 2019.

The two female suicide bombers are the same targets being tracked by the group of Maj. (Marvin) Indammog before they were killed by policemen on 29 June 2020 (Ang dalawang babaeng suicide bombers ay ang parehong targets na sinusundan ng grupo ni Maj. Indammog bago sila pagpapatayin ng mga pulis noong Hunyo 29, 2020),” ani Sobejana.

Sina Indammog, Capt. Irwin Managuelod, Sgt. Jaime Velasco, at Cpl. Abdal Asula ay nagsasagawa ng intelligence at monitoring operations laban sa dalawang pinagsususpetsahang suicide bombers nang sila ay pagbabarilin hanggang sa mamatay ng siyam na pulis mula Jolo, Sulu.

LATEST

LATEST

TRENDING