Duterte, dadalo sa virtual conference na itinakda ng Hari ng Jordan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Haring Abdullah II ng Jordan at Pangulong Rodrigo Duterte
Kuha ni: Khalil Mazraawi (AFP Photo)

Nakatakdang dumalo si Panguong Rodrigo Duterte sa isang virtual conference na binuo ni Jordanian King Abdullah II tungkol sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic, ayon sa Malacañang noong Agosto 30.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, magaganap ang nasabing virtual conference sa Miyerkules, Setyembre 2.

Wala namang karagdagang detalyeng ibinigay ang tagapagsalita ng pangulo kung anu-anong paksa ang tatalakayin sa naturang conference.

Unang nagkakilala si Duterte at King Abdullah II sa isang bilateral meeting sa pagbisita ng pangulo sa Amman, Jordan noong Setyembre 6-8, 2018.

Sa pagbisita ng pangulo sa Jordan, nilagdaan ng dalawang bansa ang anim na kasunduan na layong paigtingin ang bilateral ties ng dalawang bansa.

Ang mga kasunduang ito ay ang: Memorandum of Understanding on Political Consultations, Memorandum of Understanding on Defense Cooperation, Memorandum of Understanding on Investment Cooperation, at Memorandum of Agreement on the Mutual Recognition of Maritime Certificates.

Kabilang din ang iba pang mga kasunduan tulad ng Amendment to the Memorandum of Understanding on Labor Cooperation at Cooperation Framework on the Deployment of Household Service Workers, na unang nilagdaan noong 2010 at 2012.

Pinasalamatan naman ni Duterte si King Abdullah II dahil sa pagpapatuloy ng mahigit 40,000 na mga Pilipino sa Jordan.

Ayon sa hari, ang presensya ng Filipino community sa kanyang bansa ay nakatutulong sa people-to-people ties at pinapalakas din ang unawaan ng dalawang bansa.

Nangako naman ang dalawang lider na palalakasin ng mga ito ang kooperasyon kontra terorismo.

Muling nagpasalamat si Duterte sa Hari ng Jordan sa pagbibigay nito ng dalawang AH-15 Cobra attack helicopters at ilang mga armas at bala.

LATEST

LATEST

TRENDING