Bong Go: PRRD, magtatalaga ng bagong PhilHealth president sa Agosto 31

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
President Rodrigo Roa Duterte gives some advice to Senator Christopher Lawrence “Bong” Go following the latter’s oath-taking ceremony at the Malacañan Palace on June 27, 2019. RICHARD MADELO/PRESIDENTIAL PHOTO

Ipinahayag ni Senador Bong Go noong Agosto 28 na magpapasya si Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, Agosto 31, kung sino ang kanyang ipapalit sa nagbitiw na si Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) president at chief executive officer Ricardo Morales.

Nag-resign si Morales noong Agosto 26 matapos sabihin ni Duterte na makabubuti ito para sa kanya.

The president called me this early morning and told me that he has somebody in his mind to replace [Morales] and will make his decision on Monday (Tinawagan ako ng pangulo nitong umaga at sinabing may naiisip na siyang ihahalili kay Morales at inaanunsyo niya ito sa Lunes),” ani Go.

Ayon kay Go, kinakailangan ang agarang pagpapalit kay Morales upang hindi maantala ang serbisyo ng PhilHealth.

Gayunpaman, nilinaw ni Go na hindi magtatapos ang imbestigasyon sa Senado tungkol sa ahensya at naniniwala itong ang pangunahing problema nito ay ang “pagmamanipula” aniya ng mga low-level personnel.

Dagdag pa ng senador, “Someone should be held accountable. We should get to the bottom of this deeply rooted and systemic corruption in PhilHealth (Dapat may managot. Dapat nating malaman ang ugat ng sistematikong kurapsyon sa PhilHEalth).”

Iginiit ng senador na kinakailangan ng parehong “curative and preventive” na mga hakbang para masugpo ang sistematikong katiwalian hindi lamang sa PhilHealth kundi pati na sa buong pamahalaan.

LATEST

LATEST

TRENDING