Duterte, ipinag-utos na pabilisin ang pag-aksyon sa water infra projects

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ahensya ng pamahalaan na pabilisin ang pagproseso ng permits para sa mga flagship infrastructure projects sa water security para matiyak ang sapat na suplay.

Nilagdaan ng pangulo noong Agosto 26 ang Administrative Order No. 32 na ginawang mandatoryo sa lahat ng ahensya ang pagbibigay prayoridad sa pag-review at pag-paruba ng mga infrastructure projects na may kaugnayan sa suplay ng tubig.

Sa ilalim ng kautusan, ituturing na approved ang applications for permits, clearances, at authorization na isinumite kasama ng kumpletong requirements kung hindi ito aaksyunan ng ahensya sa itinakdang oras.

There is a need for the national government to pursue institutional reforms such as streamlining processes of concerned agencies to encourage and guide investments in water supply, sewerage and sanitation, and expedite the approval and processing of infrastructure flagship projects on water security, while respecting property rights and protecting public safety and the environment (Kinakailangan ng pamahalaang nasyonal ang magpatupad ng panloob na reporma katulad ng pagpapabilis sa mga proseso ng ahensya para hikayatin at gabayan ang investments sa water supply, sewerage, at sanitation, at pabilisin ang pag-apruba at pagproseso ng infrastructure flagship projects sa water security, habang pinoprotektahan ang property rights, pampublikong kaligtasan, at ng kalikasan),” ani Duterte sa kautusan.

Ayon sa pangulo, palaging naaantala ang pag-arangkada ng infrastructure projects tungkol sa water security.

Inatasan din nito ang Anti-Red Tape Authority na pangasiwaan ang pagproseso ng mga local permits at barangay clearances na may kaugnayan sa infrastructure projects sa water supply.

Naunang pinuna ni Duterte ang mga water distributors na Maynilad at Manila Water dahil sa umano’y mga maanomalyang kontrata, dahil nangongolekta  umano ang mga kumpanya ng bayad para sa sewage treatment plant bagama’t hindi ito nakakapaglabas ng “kahit isang lata ng malinis na tubig.”

Pinagbantaan din niya ang water concessionaires ng “nationalization of water services” sa kani-kanilang mga lokalidad kung tatanggihan nito ang panibagong kontrata mula sa pamahalaan.

LATEST

LATEST

TRENDING