Abogado, paiimbestigahan ng PNP dahil sa hindi pagsusuot ng face mask at shield sa publiko

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Atty. Larry Gadon
Larawan mula sa: GMA News

Ipinag-utos ng Philippine National Police (PNP) noong Agosto 28 na paimbestigahan ang abogadong si Lorenzo “Larry” Gadon, na nakunan ng video na hindi nakasuot ng face mask at face shield habang kinakapanayam ng media sa Manila noong Agosto 28, dahil sa posibleng paglabag sa quarantine protocols.

Inatasan ni PNP deputy chief for operations Lt. Gen. Guillermo Eleazar si Manila Police District director Gen. Rolando Miranda na isagawa ang imbestigasyon para matukoy kung lumabag si Gadon sa health safety guidelines na itinakda ng pamahalaan bilang pangontra sa Covid-19.

I have already tasked the local police commander concerned, particularly the district director of the MPD to look into this (Inatasan ko na ang local police commander, partikular na ang district director ng MPD tungkol dito),” ani Eleazar.

Kuha sa video si Gadon na makikitang hindi nakasuot ng face mask at face shield habang nasa ambush interview sa harap ng Korte Suprema, kung saan naghain ito ng petisyon para ibasura ang batas na nagpalit sa pangalan ng Manila International Airport sa Ninoy Aquino International Airport.

Binatikos ni Eleazar, Joint Task Force COVID Shield commander, si Gadon dahil sa pagsuway sa kautusan ng pamahalaan tungkol sa mandatoryong pagsusuot ng face mask at shield sa publiko.

This kind of irresponsible statement is what is making it difficult for the government to effectively fight the spread of the coronavirus (Ang ganitong iresponsableng pahayag ang nagpapahirap sa pamahalaan para isakatuparan ang paglaban sa Covid-19),” ani Eleazar sabay babala kay Gadon na aarestuhin ito kung ipagpapatuloy pa rin ang kanyang ginawa.

Inasibuhan din niya ang mga mamamahayag na huwag i-interview ang mga personalidad na hindi sumusunod sa safety protocols para na rin sa kanilang kaligtasan.

Either you remind them to observe the minimum health safety standard or refuse to interview them (Paalalahanan niyo silang sundin ang minimum health safety standards o huwag silang interviewhin),” giit ni Eleazar.

LATEST

LATEST

TRENDING